Cristy Fermin accepts Supreme Court’s decision on case against her by Eddie and Annabelle

Cristy Fermin accepts Supreme Court's decision on case against her by Eddie and Annabelle

Sinubukang kunin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ng TV host at columnist na si Cristy Fermin sa kanyang radio program na Showbiz Mismo sa DZMM kahapon, April 4, tungkol sa paglabas ng desisyon ng Supreme Court sa libel case na isinampa laban sa kanya ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Anabelle Rama noong 1995.

Kinumpirma ni Cristy na nakuha na niya ang sulat ng korte at naglalaman ng naging desisyon at kaukulang danyos sa kaso na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon piso. Pero tumanggi siyang magbigay ng kanyang reaksiyon. Sinabi niya na abangan na lang sa kanyang mga kolum sa mga sinusulatan niyang tabloid ang kanyang reaksiyon sa desisyon ngn korte.

Kaninang umaga, April 5, sa kanyang kolum sa Bulgar ay isinulat ni Cristy ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon niya sa Gutierrez family.

Kapag dumadalaw daw si Annabelle sa The Buzz, hindi raw nakakalimutan ni Cristy ang magbigay respeto sa ina ni Ruffa Gutierrez. Ayon sa co-host ng The Buzz, “Kapag lumalapit kami at humahalik sa kanya ay hindi niya nga inilalapit ang kanyang pisngi sa amin, pero hindi rin siya umiiwas.”

Ganito rin daw ang ginawa ni Cristy nang si Eddie naman ang kanilang naging guest. Isang mahigpit na yakap daw ang iginanti sa kanya ng ama nina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez.

Pero alam daw ni Cristy na hindi ito nangangahulugan na tapos na ang kaso na isinampa sa kanya nina Annabelle at Eddie dahil sa naisulat noon sa Gossip tabloid, na pagmamay-ari ni Cristy. Ayon sa artikulo, kaya raw umuwi ng Pilipinas ang mag-asawa ay dahil may tinatakbuhan silang estafa case sa Amerika. Ang mahalaga raw ay “pinalambot na ng panahon ang kanilang mga puso.”

Dagdag pa ng kontrobersiyal na TV host-columnist, wala raw problema sa kanila ni Ruffa na kasama niya sa The Buzz.

Sa huli ay pinasalamatan ni Cristy ang magkakapatid na Gutierrez dahil “nandiyan pa rin ang kanilang respeto” at ang mag-asawang Eddie at Annabelle dahil “alam naming ang ginagawa ng mga bunga ay alam ng puno, at malinaw ang indikasyon na hindi nila iminumulat sa mali ang kanilang mga anak.”

At press time ay hinihintay pa rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang panig nina Annabelle at Eddie.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: