Maui Taylor willing to be interviewed by DJ Mo; but says no to Wilma Doesnt

Maui Taylor willing to be interviewed by DJ Mo; but says no to Wilma Doesnt

Maui Taylor is back in the limelight as she promotes her new movie, Torotot. The former Viva Hot Babe member is willing to promote the movie on some TV shows, including Showbiz Central where DJ MO Twister (inset, top) is a co-host but not on The Sweet Life where Wilma Doesnt (inset, bottom) is a co-host.

Maui Taylor will promote her new movie with Viva Films, but only on TV shows she chooses.

Back in the thick of things si Maui who has two new movies coming up—the very sexy Viva Films movie Torotot directed by Maryo J. de los Reyes co-starring Yul Servo, Baron Geisler, Andrew Schimmer, and newcomer Precious Aldana; and the very serious Teach Me To Love to be directed by National Artist Eddie Romero.

Tapos na ang principal shoot ng Torotot and ready for showing na ito sa May. Magsisimula na rin ang promotion nito both in print and TV.

Open si Maui to talk about anything with the print press. Pero pagdating sa TV, she will have to choose which shows she can help promote.

Puwede raw siyang magpa-interview live or taped with GMA-7’s Showbiz Central at puwede ring si Mo Twister pa mismo ang mag-interview sa kanya as long as he behaves. Mo is a co-host of the Sunday showbiz talk show of GMA-7.

YES TO MO. Hindi pa nasasara ang alitan nina Maui and Mo due to the firing of Mo kay Maui as his co-host sa radio show nito sa Magic 89.9. Bago pa man kasi makapagpaalam si Maui na aalis na siya sa pagku-co-host, inunahan siya ni Mo at pinaalis agad siya two weeks before her planned departure.

Kung sakali, ngayon pa lang daw sila magkikita muli ni Mo.

“Okay lang sa akin kung siya ang mag-interview, handa ako. Huwag lang siyang magsisimula at makakatikim siya sa akin,” sabi ni Maui nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Viva Films office sa Ortigas kahapon, April 3.

NO TO WILMA. Ang hindi niya raw pupuntahang show para mag-guest ay ang The Sweet Life ni Lucy Torres-Gomez in QTV-11, kung saan co-host ng asawa ni Richard Gomez ang model na si Wilma Doesnt.

Matagal na ang alitan nina Maui at Wilma nang nagsama sila sa ATD Entertainment-produced stage play na Private Parts. Nakaaway ni Wilma ang halos lahat ng co-performers niya headed by Maui and the rest of the girls.

Minsan na raw naimbita si Maui ng The Sweet Life na mag-guest ngunit tumatanggi ang dating Viva Hot Babe na makita niya muli si Wilma.

“Siya naman ang nagpaumpisa nun, ‘no? At saka hindi lang ako ang kinaaway niya, lahat kami,” sabi ni Maui.

Open din si Wilma sa laban niya kay Maui.

In one of the 40 Forbidden Questions noon sa radio show pa rin ni Mo at si Wilma ang nakasalang, a theoretical question was put forth to the darkened mannequin: Kung ano kaya ang email address ni Maui. Ang sagot ni Wilma, “batangmaysuso@yahoo.com.””

DINO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: