Maui Taylor bitten by Baron Geisler in their sex scenes in “Torotot”

Nilinaw ni Maui Taylor ang kumalat na balitang naimbiyerna raw siya kay Baron Geisler dahil masyado na-excite physically ang aktor sa jacuzzi scene nila sa pelikulang Torotot ng Viva Films.

Kuwento ni Maui sa PEP (Philippine Entertainment Portal), hindi naman daw siya exactly nagalit kay Baron dahil sa nangyari sa eksena nila. Nagalit daw siya kay Baron dahil mahilig daw kasi itong mangagat. Nakailang kagat daw kasi si Baron kay Maui sa tenga, leeg, at braso.

“Nainis ako sa kanya kasi kinakagat-kagat niya ako,” diin ni Maui. “Noong unang take namin, yun ang ginawa niya. Noong kinunan kami ng isa pang take, sinabihan ko na siya na huwag niya akong kakagatin lalo na sa tenga kasi masakit. Hindi ko gusto ‘yon.

“Kaso inulit na naman niya kaya doon ako nagalit sa kanya. Nag-sorry naman si Baron at sinabi niya na kapag naa-arouse daw siya, nangangagat siya ng partner niya. Gano’n daw siya kaya hindi raw niya mapigilan ang sarili niya.

“Kaya nakiusap ako sa kanya na huwag niya akong kagatin nang husto at baka magkapasa-pasa ako. Huwag lang niyang kagatin ang tenga ko kasi hindi ko trip ‘yon. Sumunod naman siya, pero nararamdaman ko na gusto pa rin niya akong kagatin,” kuwento ng sexy actress.

Tungkol naman sa pagiging excited ni Baron sa kanya, sinabi ni Maui ba sanay na raw siya sa mga nakakaeksena niya sa pelikula na nakakaramdam ng init sa kanya. Nagulat lang daw siya kay Baron dahil hindi pa raw sila nagsisimula sa eksena nila ay apektado na raw ito.

“In fairness naman to Baron, sinabi niya sa akin na madali siyang ma-excite at hindi raw niya ma-control. Pagpasensiyahan ko na lang daw. Iniisip pa lang daw niya ang eksena namin, e, affected na siya.

“Ako naman, hindi na ako nao-offend sa ganyan kasi normal na ‘yan sa lalake. Lalo na kung tunay na lalake, di ba?” tawa ni Maui. “Mas mao-offend ako kung walang reaction sa akin, ‘no! Baka naman feeling ko, hindi na ako sexy, di ba? It means na hot pa rin ang lola n’yo!”

RATED X. Ang pinakahuling pelikula na nagawa ni Maui ay ang Bugbog Sarado noong 2003. Kaya bale comeback movie daw niya itong Torotot. Pero mukhang mabibigyan sila ng X-rating ng MTRCB dahil na rin sa mga maseselan nilang eksena at lengguwahe na ginamit.

“Umasa pa ba kaming magiging General Patronage kami? Umasa pa bang maipapalabas kami sa SM Cinema?” natatawang sabi ni Maui.

“Dyusko, opening scene pa lang, sandamukal na mura at mga nakakalokang dialogue na ang mapapakinggan nila sa amin. Bukod sa mga nakakalokang eksena namin ni Baron, may all-out sex scene ako with Andrew Schimmer na kinunan sa isang veterinary clinic.

“Pareho kaming veterinarian ni Andrew dito at para kaming mga hayop sa eksena namin. E, ang liit-liit ng room na pinagkunan ng eksena kaya hirap na hirap kami ni Andrew. Pero among my scenes sa movie, itong eksena with Andrew ang ikinabaliw ko. Kasi bukod sa kung anu-anong
posisyon ang ginawa namin, strip naked talaga kami. Bahala na kung ano ang mangyayari sa eksena kasi sobrang ikaloloka nila,” kuwento ni Maui.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: