GMA-7 brings back Arnell Ignacio and “Gobingo”

Ayaw na raw muling magkamali ni Arnell Ignacio kaya naman ipinangako niya sa GMA-7 na gagawin niya ang lahat ng paraan para masiyahan ang mga manonood sa nagbabalik niyang game show na Gobingo.

Matagal na nawala sa ere ang Gobingo, pero ibinalik ito ng GMA-7 para lang kay Arnell. Natutuwa naman si Arnell dahil puwede naman daw na kumuha ng ibang host ang GMA-7, pero sa kanya pa rin naitoka ang show.

Matatandaang for a while ay lumipat si Arnell sa ABS-CBN, ngunit hindi nagtagal ay bumalik din siya sa Kapuso network.

Kuwento ni Arnell, “Ginulat nga ako ni Ma’am Wilma [Galvante, Senior Vice President for Entertainment TV]. Noong magkita kami over lunch para magkuwentuhan lang daw kami. Noong paalis na siya, dun niya sinabi na ibabalik ang Gobingo at ako raw ang host ulit. Siyempre, nagulat ako kasi wala naman akong ini-expect from GMA-7 talaga after ng kagagahan ko noon, di ba?

“Kami naman ni Ma’am Wilma,” patuloy niya, “normal na sa amin ang magkita-kita at magkuwentuhan parati. Pero with this, ginulat niya ako. I really did not expect this kaya wala katapusan ang pasasalamat ko sa GMA-7.”

Mas pinabongga at mas pinalaki ang premyo ng mga mananalo sa nagbabalik na Gobingo. Isang contestant raw ay puwedeng manalo ng higit sa P100,000 kada araw. Bukod pa roon ang magiging premyo ng home partner nito at sa mga sasali via text. Magsisimula ito sa April 14 bago mag-24 Oras.

ARNELL VS. KRIS. Ang show ni Arnell ang itatapat ng GMA-7 sa Wheel of Fortune na hinu-host ni Kris Aquino sa ABS-CBN. Flattered nga si Arnell dahil isang Kris Aquino ang magiging katapat niya.

“Akala ko nga ang itatapat sa akin, Koreanovela o Mangaserye!” tawa ni Arnell. “Hindi ako kakabahan doon. Pero dahil nga game show ni Kris ang katapat ko, kailangan kong pantayan ‘yon because Kris is a very good host.

“More than the competition, kinakabahan ako kasi malaki ang expectation sa ‘yo ng maraming tao, lalo na ng mga tao dito sa GMA-7. Pero it’s a big challenge for me again at sinabi ko nga, lahat gagawin ko para sa ikabobongga pa lalo ng Gobingo.”

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: