Alessandra de Rossi bares her other assets in “FHM”

Alessandra de Rossi bares her other assets in

Alessandra de Rossi agrees to pose for FHM for the first time in exchange for the promo of her single, “Sailing.”

Alessandra “Alex” de Rossi does two new tricks: baring and singing.

Alex is the April 2008 issue cover of FHM Philippines. Kung ilang taon nang inaawitan ng FHM si Alex na maging cover girl sa No. 1 men’s magazine in the country, but the sister of actress Assunta de Rossi stood firm on her decision then. Magpapa-sexy lang siya sa mga billboards, like what she has been doing for Bench at kung sa isang women’s magazine.

Nasabi ni Alex noon sa amin na iba kasi kung sa isang women’s magazine siya magpapa-pictorial nang sexy dahil hindi ang katawan niya ang bibilhin kundi ang accompanying interview. Kung sa isang men’s magazine siya magpu-pose, it will be all about her body.

But Alex has a secret hobby; she sings, composes, and rearranges songs.
On the verge of compiling songs for her planned self-produced album—wherein she bought the rights of the Christopher Cross song “Sailing” from Universal Records to be her cover song—binalikan niya ang FHM if the offer still stands. Oo daw, so Alex gave a compromise; she will pose if FHM will play her song.

An agreement was set; magku-cover girl si Alex for FHM and the issue will come with a free demo copy of Alex’s first MTV she also produced, ang “Sailing” nga.

Nag-pictorial si Alex for FHM with Jun de Leon as photographer at the Manila Yacht Club. Kasabay nito, ipinagawa niya ang MTV niya with director Rico Gutierrez na hinabol talaga in time for the release of the April 2008 issue of FHM.

Now, Alex is hitting two birds with one stone for the April 2008 issue of FHM by showing her other assets other than acting. Mapapakinggan na rin ang “Sailing” sa magla-log in sa http://www.fhm.com.ph at mapapanood ang MTV nito sa YouTube by searching “Alessandra de Rossi Sailing Music Video.”

ALEX’S FANTASY. May additional fantasy pang na-fulfill si Alex sa kanyang MTV—ang maging sirena.

Sa pagpasok niya noon sa Kamandag ni Richard Gutierrez and way before napapag-usapan ang paggawa ng Dyesebel ng GMA-7, Alex already said that her dream role is to play a mermaid.

Nabanggit sa kanya noon that she could audition for Dyesebel, pero ayaw ni Alex.

“Fantasy ko lang yun, ‘no? Puwede ko namang gawin yun sa likod ng bahay namin, magsuot ako ng sirena costume at magbabad sa pool!” patawa niya noon sa amin.

In the MTV of “Sailing” which is shot underwater, sa ending ng kanta ay naging sirena si Alex.

Tinawagan namin agad si Alex about this at ang unang sinabi namin, inunahan niya si Marian Rivera na maging sirena.

“Show naman yung sa kanya, ‘no? Talagang para sa kanya yun, fantasy ko lang ito. Yung kanta naman kasi [‘Sailing’] about dreaming and fantasy. So ito ang fantasy ko, maging sirena, kaya ginawa ko,” paliwanag ni Alex.

DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: