Mga Presidente sa Top 10 ng Bar exam

Alam ba ninyo na pitong Presidente ng Pilipinas ang napasama sa Top 10 sa mga Bar examination at tatlo sa kanila ang naging number 1?

Sinasabing 13 lamang ang kumuha sa kauna-unahang Bar examination na ginawa noong 1901. Ang Bar ay ang pagsusulit para sa mga nais maging abogado ng bansa.

Kabilang sa mga dating Pangulo na naging number 1 sa Bar exam ay sina Manuel Roxas (1913); Diosdado Macapagal (1936) at Ferdinand Marcos (1939). Pumangalawa naman sina dating Pangulong Jose P. Laurel ((1915) at Sergio Osmeña (1903).

Samantala, sina dating Pangulong Manuel L. Quezon ay naging pang-apat (1903) at pang-pito si Carlos P. Garcia ((1923).

Ang pinakamataas na grado na nakuha ng isang kumuha ng Bar ay umabot sa 96.7 percent na nagawa ni dating SC justice Florenz Regalado noong 1954.

Naitala naman noong 2001 Bar examination ang may pinakamaraming pumasa – 1,266 sa 3,849 examinees o 32.89 percent.

Pinakamaraming kumuha sa Bar exam noong 2006 na umabot sa 6,187 law graduates, kung saan 30.60 percent o 1,893 ang nakapasa.

GMANews.TV

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: