Mrs. Rose Flaminiano will review Gabby Concepcion’s contract with GMA Films

Mrs. Rose Flaminiano will review Gabby Concepcion's contract with GMA Films

“Pag-aaralan natin ‘yan. But definitely, gusto ng Star Cinema ang pelikula nila ang mauna,” says Mrs. Rose Flaminiano (left) about the provision in Gabby Concepcion’s contract that his movie with GMA Films should be shown ahead of his movie with Star Cinema.

Nagpapa-picture pa ang nagbabalik-showbiz na si Gabby Concepcion sa mga nadaanan niya na kumakain sa 9501 restaurant palabas ng Chronicle function room sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang manager na si Mrs. Rose Flaminiano kahapon, April 1.

Katatapos lang pumirma ng two-year contract ni Gabby para sa ABS-CBN at Star Cinema. Present sa contract signing ni Gabby ang bagong president ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio, ang vice-president for entertainment na si Cory Vidanes, at ang managing director ng Star Cinema na si Malou Santos.

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Mommy Rose tungkol sa pinag-uusapang kontrata ni Gabby sa GMA Films. Ayon sa GMA Films, hindi nakasaad sa kontrata ni Gabby sa kanila na sa abroad ang shooting ng movie niya. Nakalagay rin sa kontrata na ang pelikulang gagawin niya sa GMA Films ang dapat unang maipalabas dito sa Pilipinas.

“Yeah, pero ang diperensiya, ang shooting and the rest, kailangan sa Amerika. Siyempre ako naman, komo’t naipakete ko siya [Gabby] dito sa ABS-CBN, iniisip ko dito kami magsu-shoot,” pahayag ni Mommy Rose.

Pero okay lang ba sa Star Cinema na maunang maipalabas ang movie ni Gabby sa GMA Films?

“Pag-aaralan natin ‘yan. But definitely, gusto ng Star Cinema ang pelikula nila ang mauna,” sagot ng manager ni Gabby.

Hindi ba nila nakita na nakasaad sa kontrata ni Gabby sa GMA Films na kailangan maunang ipalabas ang pelikula ng comebacking actor sa film arm ng Kapuso network?

“Nakita ko na. E, maraming ano… Palagay ko, alam mo, ang interbyuhin mo ang husband ko pagdating sa legal. Nabasa ko yung kontrata, pero siyempre pagdating sa legal matters kailangan si Atty. [Jose] Flaminiano ang magsabi. Baka iba ang interpretasyon ko, iba rin ang interpretasyon ni Atty. Flaminiano,” maingat na sagot ni Mommy Rose.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: