Kris Aquino undergoes minor surgery after her miscarriage

Kris Aquino undergoes minor surgery after her miscarriage

Kris Aquino submitted herself to D&C or dilation and curettage, where her doctor had to scrape off her ovary, because she was suffering from minor pain and bleeding. The TV host actress announced two weeks ago that lost her pregnancy of seven-and-a-half-weeks.

Hindi nakasama si Kris Aquino sa live episode ng Boy & Kris kahapon, April 1, kung kaya mag-isa lamang na nag-host si Boy Abunda ng naturang show.

Ngunit agad namang ipinaalam ng TV host ang dahilan ng kanyang pagliban sa kanilang morning show. Ipinaliwanag ni Kris sa co-host niya na kinailangan niyang magpa-raspa kaugnay pa rin ng hindi natuloy na pagbubuntis niya sa ika-tatlo sana niyang anak.

Sa ulat ni Dondon Sermino ng Abante, inilahad nito ang kuwento ni Kris na sa tuwing magbabanyo daw siya ay may konting dugo na lumalabas sa kanya.

Patuloy pang dagdag ng TV host-actress, “Para siyang sipon na may dugo. So, tumawag ako sa doctor at nagtanong ako. So, pumunta ako yesterday [Monday] at nagpa-check up, and he said na magparaspa na kami, para siguraduhin.

“Baka raw kasi magkaroon pa ako ng malalang pain. Kasi kapag ini-expel mo ‘yon, para kang nagli-labor pain. So, last Monday at 3:00 PM, sa Makati Medical, si Dr. Pastorfide [Kris’s doctor], siya ang nag-operate sa akin.

“Pinatulog nila ako. It’s a normal procedure at mara­ming dumadaan sa ganito. Pinatulog din ako sa surgery, pero minor surgery lang ‘yon.

“The whole thing took about an hour, eh. Hindi ko namalayan, basta ginising nila ako na nasa recovery room ako. Pero ang sabi nila, salita raw ako nang salita the whole time.”

Dahil sa ginawang pagraspa sa kanya, pinayuhan ng kanyang doktor si Kris na huwag masyadong magpakapagod at iwasan ang sobrang paglalakad. Aniya, “So, pinagpahinga nila ako after that, at bawal daw akong mapagod at maglakad nang maglakad. Baka raw duguin ako nang husto. Yun ang sinigurado nila.”

Sumunod dito, tinanong ni Boy si Kris kung puwede pa siyang mabuntis matapos ang ginawang operasyon sa kanya. At ayon sa doktor ng TV host, maari pa rin naman daw siyang magkaanak.

Sa bandang huli ay nagpasalamat si Kris sa mga nagdasal para sa kanya. Ayon sa kanya, mainam na rin daw ang nangyari na hindi nabuo ang kaniyang ikalawa sanang anak kay James Yap. Ayaw na niya diumanong mag-alala pa ang kanyang ina na na si ex-President Cory Aquino.

Gayundin, nag-abot din ng pasasalamat si Kris sa mga taong patuloy na nagdarasal para sa kanyang ina na may colon cancer.

NERISA ALMO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: