Publiko pinag-iingat sa heat stroke

PINAG-IINGAT ng ilang dalubhasa ang publiko ngayon panahon ng summer dahil sa matinding epektong idudulot sa kanilang kalusugan ng matinding exposure sa sikat ng araw bunsod ng pagbabago ng panahon.

Ayon kay Dr. James Simpas, unit head ng Urban Air Quality Department ng Manila Observatory sa isinagawang health forum kahapon sa Quezon City kaugnay ng selebrasyon ng World Health Day na may temang: “Protecting Health from Climate Change,” dapat ay mag-ingat ang mamamayan sa init ng araw partikular ang mga bakasyunistang dadayo sa mga dalampasigan dulot ng mainit na panahon.

Sinabi ni Simpas na simula alas-12:00 ng tanghali hang-gang alas-2:00 ng hapon ay hindi normal ang sikat ng araw o inilalabas na ultra violet rays na maaaring makapagdulot ng heat stroke at maging sa iba pang uri ng skin cancer sakaling sobra ang exposure ng sinuman.

Partikular na maaaring makaranas umano ng heat stroke ang mga nakatatanda o taong may mahinang pangangatawan.

Kaya’t, inirekomenda naman ni Dr. Kenneth Hartigan-Go, na kailangang panatilihing may sapat na tubig sa katawan o uminom ng 8 baso kada araw upang hindi ma-dehydrate dulot ng tumitinding init ng panahon.

Magugunitang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pag-asa) na posibleng umabot ng hanggang 40 degree celcius ang nararamdamang init na temperatura sa bansa dulot ng climate change.

Batay naman sa pag-aaral ng Manila Observatory, simula noong 1945 hanggang 2000, unti-unting dumarami na ang mga bagyong dumarating sa Pilipinas maging ang rainfall ay umangat na rin simula 1960s hanggang 1990s gayundin ang pagtaas ng sea level sa bansa.

Ito aniya ay dahilan ng global warming bunsod na rin ng tumitinding polusyon sa hangin na nagreresulta sa pagkasira ng ozone layer sa mundo kung kaya’t nagkakaroon ng abnormal na klima na lubhang nakakaapekto sa kalusugan ng publiko.

Idinagdag pa ng mga doktor na magsuot ng mani-nipis at malalamig na tela na damit ang mamamayan sa tuwing lumalabas upang makaiwas sa heat stroke at kung sakaling tamaan ng heat stroke ay maaaring dalhin ang biktima sa may kalamigang lugar at unti-unting painumin ng tubig bilang paunang lunas.

ARLENE RIVERA-POSADAS
Journal Online

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: