Cristine Reyes on her relationship with Willie Revillame: “Playmates?”

“Real score? Basta okey lang kami magkasama,” says Cristine Reyes when asked about her being extra close to Willie Revillame.

Naghihintay sa production office ng Wowowee si Cristine Reyes nung makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at linawin ang isyung kinagat ni Willie Revillame ang kanyang paa. Marami rin ang nakakita sa palibot ng ABS-CBN compound na naghahabulan sila ni Willie.

“Hindi, ah. Hindi naman paa,” paglilinaw ni Cristine. “Luku-luko, e.”

We asked kung nagkapeklat ba yung kagat sa kanya ni Willie.

“Hindi. Okey naman. Kaya ko nga hinabol kasi masakit, e,” sagot agad ng ex-Kapuso.

Bakit nga pala siya kinagat ni Willie?

“Ewan ko. Ano lang yun, naghaharutan lang kami. Ganun lang talaga kami.”

WHAT BOYFRIEND? Hindi ba nagalit ang ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo na nakipagharutan siya kay Willie?

“Bakit naman siya magagalit?” balik-tanong ni Cristine sa amin.

May bali-balita kasi na mag-on na ulit sila ni Dennis?

“Hindi, ah. Hindi na,” paglilinaw ni Cristine.

Hoping to get more out of Cristine, tinanong namin siya, “Ano na ba ang real score sa inyo?” We didn’t specify kung sino yung kasama niya sa “inyo.”

“Nino po? Dalawa kasi sila, e,” sabay banat ng salbaheng tawa ni Cristine.

Si Willie, sabi namin.

“Real score? Basta okey lang kami magkasama.”

From the scale of one to ten, ano ang score ni Willie para sa kanya?

“Parang ang hirap sagutin niyan dahil ano… Ayoko, ayoko. Kasi baka kapag nagbigay ako [ng sagot] sasabihin, ‘on’ na. Kaya ayokong sumagot.”

Ano ang maitatawag niya sa relasyon nila ni Willie?

“Wala lang. Playmates? Yeah—joke!”

May “mutual understanding” o M.U. na ba sila ni Willie?

“Hindi, friends lang talaga kami,” mabilis na sagot ng dalaga.

DENNIS OR WILLIE? Nalilito ang iba kung sino ba talaga kina Willie at Dennis ang gusto niya. May nakakita raw kay Cristine na kasama niya nung Holy Week si Dennis. At sa unang araw ng bagong bihis ng studio ng Wowowee, nandun din si Cristine.

“Hindi ko kasama si Dennis. Kasama ko, family ko. Yung kapatid ko…hiwalay kami, e,” tukoy ni Cristine tungkol sa sinasabing balita na magkasama sila ni Dennis.

“Kung nalilito sila, e, di bahala sila magsabi ng kung anu-ano. Basta wala naman akong commitment sa isang tao.”

Kanino ba siya mas enjoy, sa piling ni Willie o ni Dennis?

“Basta mas masaya po ako ngayon. Masaya ako sa sarili ko,” paniniguro ni Cristine.

CAN’T WAIT TO BE A KAPAMILYA. Ano nga ba ang rason ng pagiging masaya ni Cristine ngayon?

“Basta masaya ako ngayon. At mas sasaya pa ako kung magiging Kapamilya na ako.”

Sa huling sinabing ito ni Cristine, naging curious kami kung ano na nga ba ang status ng pagiging Kapamilya niya?

“Wala pa, e. Hanging pa rin.”

May balitang nagpadala na raw ng letter ang GMA sa ABS-CBN na nagbibigay ng warning tungkol sa pagkuha kay Cristine.

“Ako, nagpadala ako ng letter sa kanila [GMA-7],” paglilinaw ni Cristine. “Yung letter ng GMA sa ABS-CBN, matagal na yun. Ako, [may ipinadala] recently lang.”

Ano naman ang nilalaman ng letter?

“Ano po, parang formality lang na humihingi ako ng release. Pero…although pwede naman akong maging Kapamilya na. Kaya lang gusto ko talaga, formality. Kaya puro guesting-guesting muna ako.”

Tinanong ng PEP kung kelan niya ipinadala ang letter niya.

“Nung Thursday po [March 20],” sagot agad ni Cristine. “Sabi ko, parang…hayaan nila ako na ma-experience ito. I mean…basta lahat doon sa letter.”

Paano kung hindi nga siya makalipat sa Dos at tuluyan na siyang ma-freeze sa Siyete?

“Wala akong magagawa.”

May ideya ba si Cristine kung ano ang nilalaman ng sulat na ipinadala ng GMA-7 sa ABS-CBN?

“Ano po, parang mabi-breach of contract daw po ako. Para sa akin kasi, tapos na yung kontrata ko [with GMA-7]. Bakit ako mabi-breach of contract? ‘Tsaka wala pa akong pinipirmahan.”

WANTING TO DO EVA FONDA. Gusto ba niyang maging Kapamilya para maging “Kapamilya” si Willie?

“Bata pa ako, 19 pa lang ako. May mga pangarap pa ako sa buhay. Trabaho muna.”

Ano na ang balita sa Eva Fonda, 16?

“Actually yun nga, nalulungkot na ako kasi gustung-gusto ko nang mag-start, e. Kung wala talaga, mag-iisip na lang kami ng ibang way,” malungkot na tapos ni Cristine.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: