Cristine Reyes disproves rumors she’s the latest “Wowowee” co-host

Cristine Reyes disproves rumors she's the latest

Cristine Reyes watched Wowowee with friends and remained in the audience during the airing of the show. She was, however, acknowledged by Wowowee host Willie Revillame.

Maaga pa lang ay nakita na namin si Cristine Reyes sa studio ng ABS-CBN 2 kung saan ginanap ang Wowowee kaninang tanghali, Lunes, March 31.

Kaya bigla tuloy naming naisip na baka totoo nga ang kumakalat na tsismis na si Cristine ang ilo-launch na bagong female co-host ni Willie, kasabay ng unveiling ng bagong set ng naturang noontime show.

Kaya tinawag agad namin si Cristine at tinanong kung siya na ba ang latest addition sa mga babaeng hosts ni Willie tulad nina Valerie Concepcion, Precious Lara Quigaman, at Mariel Rodriguez.

“Hindi po, hindi talaga! Manonood lang kami ng show, hindi ako host,” natatawang sinabi ni Cristine.

Pero hindi namin agad pinaniwalaan si Cristine kaya hinintay namin ang pagsisinula ng show at nag-stay kami hanggang matapos ito.

Habang naroon kami, napansin namin na mas maganda ngayon at mas class ang bagong set ng naturang noontime show.

At hanggang natapos ang Wowowee, hindi nag-host si Cristine. Nasa audience lang ito at nanonood kasama ang mga kaibigan niya.

Pero in-acknowledge siya ni Willie at ang katabi ni Cristine sa upuan na si Nadia Montenegro na nanood din with her friends.

ROMMEL GONZALES
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: