Other cast members of “Dyesebel” revealed

Other cast members of

(From left) Jean Garcia, Lotlot de Leon, and Mylene Dizon will all play mermaids in the TV adaptation of the classic comics character Dyesebel.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na natuloy ang scheduled pictorial ng buong cast ng Dyesebel kaninang hapon, March 31. Nagsimula ng ala una ang pictorial na ginanap sa Studio 3 ng GMA Network. Masaya at excited ang cast sa pagpo-pose habang kinukunan ng litrato para sa bagong fantaserye ng GMA-7.

Nai-text din sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bubuo ng cast ng Dyesebel. Sila ang makakasama nina Marian Rivera bilang Dyesebel at Dingdong Dantes bilang Fredo sa fantaserye na sa last week ng April na raw magsisimula.

Kasama rin sa major cast sina Jean Garcia bilang si Luisa/Lucia, ina ni Dyesebel at reigning queen ng karagatan; Lotlot de Leon bilang Banak, ang mag-aalaga kay Dyesebel; Mylene Dizon bilang Dyangga, aagaw ng trono ni Luisa/Lucia; Wendell Ramos bilang ama ni Dyesebel; at Bianca King bilang Betty, ang taga-lupang nobya ni Fredo.

Others in the cast are Ricky Davao, Luis Alandy, Hero Angeles, Teri Onor, Paolo Ballesteros, Marco Alcaraz, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Michelle Madrigal, and Alfred Vargas. Narinig ng PEP ang sinabi ni Rufa Mae Quinto na kasama rin siya sa cast, pero hindi nito binanggit kung ano ang role niya.

Nagulat kami dahil pumayag gumanap na ama ni Dyesebel si Wendell, pero malamang na lalabas siya noong bata pa si Dyesebel at sa mga flashback scenes ng fantaserye. Si Wendell ang bagong ka-love team ni Jean.

Mula sa isang source na may kinalaman sa produksiyon ng Dyesebel, sa April 3 pa magsisimula ang taping ng fantaserye sa Palawan. Uunahin muna raw kasi ni Direk Joyce Bernal ang mga eksena ni Jean na kukunan sa Calatagan, Batangas sa April 2, Wednesday. Mauuna na yata ang ibang staff, crew, at cast sa Palawan.

Tuwang-tuwa raw si Jean sa kanyang role dahil maganda na’y makulay pa ang costume niya. Okay lang din daw sa kanya ang prosthetics na gawa ni Adrina Bactotoy, pero nabibigatan siya sa costume.

Hindi nagrereklamo si Jean sa bigat ng kanyang costume at okay rin sa kanya ang pumapel na ina ni Dyesebel. Hindi rin magrereklamo ang aktres kahit patandain pa siya sa serye. Worth it daw ang hassle ng costume at prosthetics sa opportunity na mapasama sa Dyesebel, na marami nang nag-aabang.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: