LJ Moreno: Denies “Bilmoko” tag; breaks-up with Alapag

LJ Moreno denies

LJ Moreno clears herself of the accusations that her being materialistic is the reason behind her break-up with cager boyfriend Jimmy Alapag.

Isang exclusive na interview ang binigay ni LJ Moreno sa Showbiz Central regarding sa issue na isa raw siyang “Bilmoko Girl” kaya siya iniwan ng kanyang basketball cager boyfriend na si Jimmy Alapag.

Sa kanyang naging interview, sinabi ni LJ na mutual ang naging desisyon nila ng kanyang boyfriend na si Jimmy na maghiwalay sila dahil ayaw na nilang lumaki pa ang problema nila at baka umabot pa raw sa point na mawalan na sila ng respeto sa isa’t isa.

Nilinaw ni LJ na hindi issue ang pagiging materialistic daw niya dahil never daw siyang nanghingi ng kung anu-ano kay Jimmy.

“I will admit na he spoiled me with material things na hindi ko naman hinihingi from him,” sey ni LJ. “Jimmy is a very generous person. He would buy me gifts talaga at minsan nagugulat na lang ako.

“But never akong nag-demand ng anything from him. Sa mga taong nakakakilala sa akin, lalo na ang mga close friends ko at pamilya ko, alam nila na hindi ako materyosong tao. Kita n’yo naman how simple my lifestyle is. Hindi ako maluhong tao.

“Kung meron man akong magagandang gamit, I worked for it naman. I teach pre-school children at The Little Gym at The Fort. May magandang trabaho ako kahit wala ako sa showbiz.

“Plus I am taking up my master’s degree in special education at De La Salle University. I pay for my tuition fees kaya paano nila masasabing ‘Bilmoko Girl’ ako, ‘di ba?

“It’s unfair sa mga lumabas na balita about me pero I kept quiet kasi alam ko at ng mga malalapit sa akin ang totoong dahilan ng break-up ko with Jimmy. I’m talking now because I need to defend myself na.”

Bago mag-Pasko last year nag-break sina LJ at Jimmy pero noong February lang pumutok ang balita. Nanahimik si LJ dahil ayaw niyang lumabas na bitter siya sa naging ending ng relasyon nila ni Jimmy. Ang tunay na dahilan nga ng paghihiwalay nila ay ang mabuking niya si Jimmy na may ibang babae.

“Actually, that was the second time na nahuli ko siya na may ibang babae. Noong first time kasi, nagde-date pa lang kami. Hindi pa kami nagkakaroon ng serious relationship so I let that pass. Pero nitong huli, three years na kaming may relasyon and I caught him with another girl.

“Ang nakakainis pa is that this girl [na ayaw pangalanan ni LJ ang name dahil isa itong starlet mula sa isang TV network] according to my sources ay may boyfriend din na niloloko niya. So ano ba ‘yon, ‘di ba? Pero Jimmy denied everything. Hindi raw totoo iyon and the girl was just a friend.

“Pero noong maghiwalay na kami, the last I heard kay Jimmy is that he’s still seeing this girl nga. Marami nang mga kaibigan ko ang nakakakita sa kanila at may mga pictures pa silang naka-post sa isang home page yata. So, lahat noong dini-deny niya noon ay totoo. I made a good decision of ending our relationship. Siguro nga we weren’t really meant to be.”

Para kay LJ ay no second chances na in case balikan siya ni Jimmy. Ayon kay LJ ay wala na raw siyang nararamdaman para sa kanyang ex-boyfriend at nakapag-move on na siya.

“The last time I bumped into Jimmy, as in wala na yung feeling. Parang talagang nawala na siya sa sistema ko. Noong first month na naghiwalay kami, umiyak ako talaga because three years kami, e. Pero totoo pala na when you’ve decided to move on, tuluy-tuloy na ‘yon.

“Naging malaking tulong din ‘yung naging active ako spiritually. May mga friends ako na nag-invite sa akin sa mga Bible studies and I really enjoyed the company. Kasi walang negative vibes. Instead nga raw na maging bitter ako, I will turn that negative energy into something positive and worthwhile.

“May mga friends kasi ako na binubuyo ako na sugurin ko raw yung girl or mura murahin ko si Jimmy. E, what for? Lalabas lang ako na desperada and bastos, ‘di ba?

Bitter revenge is not the good solution to anything. May nagsabi nga sa akin na kill them with kindness na lang. Mas maganda pala iyon.

“Kaya ngayon, marami ang nagugulat na iba raw ang aura ko. Parang hindi ako galing sa isang break-up. Sinasabi ko naman na I have peace within me and I can smile at them pa. Life has to go on. Hindi ka dapat nakapako lang sa nakaraan. Pick up the broken pieces of your life and make it whole again.”

Sa ngayon ay may mga nanliligaw daw kay LJ ngayon pero pahinga raw muna siya sa pagkakaroon ng boyfriend.

“Meron namang mga nagpapalipad-hangin, pero I decided muna na huwag muna akong papasok sa isang relationship. Matagal yung three years and it’s nice to be free again. I have other plans din kasi I want to be active again sa showbiz.

“If ever naman na I would get into a new relationship, gusto ko man of God siya. Gusto ko yung spiritual life niya ay okey rin. I’ve been through a lot of failed relationships, siguro kung mahina lang ako, I would have just cried and cried. Baka ngayon may sakit na ako.

“But I am thankful to God kasi nakilala ko ang mga tao na nag-lead sa akin sa tamang direction. Akala ko noon hindi ko magugustuhan pero mas okey pala ito. Mas alam mo na ang direksyon ng buhay mo if you are spiritually stable.”

Sa pagbabalik-showbiz nga ni LJ, pumirma siya ng kontrata with Viva Artist Agency.

“I recently signed up with Viva Artist Agency[VAA] and they have good plans for my comeback sa showbiz. I might put teaching aside muna pero tatapusin ko ang master’s degree ko. Mag-uusap pa naman kami nila Tita Veronique [del Rosario] regarding sa mga gagawin ko ulit. Excited ako kasi matagal akong nawala sa showbiz. Hopefully, maging maganda naman ang pagbabalik ko.”

Noon pa man ay marami nang nagsasabi na bagay na magpa-sexy si LJ. Ngayon ba ay handa na siya to be daring?

“Daring in what sense ba? Kung tatanungin n’yo ako kung ready na ako mag-two piece bikini, okey na sa akin iyon. Before kasi, ayaw ko. Talagang pa-girl pa ako noon!” sabay tawa niya. “Now, kasi 27 years old na ako, puwedeng-puwede na. Hindi na ako mag-iinarte.”

Hindi kaya makaapekto ito sa teaching career niya balang araw?

“Hindi naman siguro because hindi naman ako mag-o-all-out na sexy. Hanggang pictorials lang naman. Normal naman siguro yung mag-bathing suit, ‘di ba? Summer naman kasi.

“Siyempre, may konting limit pa rin because matagal din akong naging teacher sa mga bata. Ayoko silang biglain, ‘di ba? Kaya nga I’m putting it aside for the meantime para makapag-concentrate ako sa showbiz ulit.”

RUEL J. MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: