Camille Prats and husband Anthony Linsangan talk about their newly-baptized son

Camille Prats and husband Anthony Linsangan talk about their newly-baptized son

“Ang mapa-promise ko kay Nathan, kami ng daddy niya will always be here for him no matter what. And we will always try to give him what’s best for him at hinding-hindi kami mawawala sa likod niya at susuportahan namin siya sa lahat ng gusto niya. We will always be here to protect and love him,” says Camille Prats about her son, Nathaniel Caesar.

Proud parents Camille Prats and Anthony Linsangan welcomed their baby, Nathaniel Caesar or Nathan, to the Christian world at Christ The King, Green Meadows, Pasig City last March 29.

Family and friends in and out of showbiz were there to witness the baptism of baby Nathan with Father Arman Tangi, a close friend of Prats family, as the officiating priest. Nathan, the first grandchild on both sides of his family, is considered a very lucky boy.

Among the celebrity godparents who attended the baptismal were John Prats (Camille’s elder brother), Shaina Magdayao, Bubbles Paraiso, Brian Revilla, Marco Alacaraz, Ryan Yllana, and Direk Mike Tuviera. Godparents din sina Lucky Manzano, Paolo Contis, at Anne Curtis, but unfortunately ay hindi sila nakadalo sa binyagan due to previous commitments. All in all ay 15 ninangs ang 15 ninongs daw ang napili ng mag-asawang Camille at Anthony para tumayong pangalawang magulang ng kanilang anak.

Ang ina ni Camille na si Mrs. Alma Prats ang may buhat sa two-month-old na si Nathan pagpasok sa church Masayang-masaya nitong ipinapakita sa mga bisita ang malusog at cute na apo. During the sacred ceremony of baptism ay napansin naming good boy talaga si Nathan dahil narinig lang naming siyang umiyak nang buhusan na siya ng holy water ng pari.

MOMMY CAMILLE. Abalang-abala naman si Camille sa pag-entertain ng mga bisita habang buhat-buhat ang kanyang little angel. Bakas na bakas ang kasiyahan ng young actress dahil finally ay magiging ganap na Kristiyano na ang anak nila.

“We’re just very, very happy sa pagdating ni Nathan sa buhay namin ni Anthony,” pahayag ni Camille sa PEP (Philippine Entertainment World). “He is truly a blessing and God’s gift to us. He is giving us so much joy kaya naman masasabi kong sobrang fulfilled na ako as a woman. Ang sarap ng feeling to be a mom and I’m so thankful dahil napakabait na bata ni Nathan. We really have a beautiful family.

“Ang sarap, siyempre we’re very excited because this is the first time na all our family and friends are coming together to meet the baby. ‘Tapos ngayon ko lang din sila makikita lahat after I got back from the States, so siyempre sobrang excited.

“Ang mapa-promise ko kay Nathan, kami ng daddy niya will always be here for him no matter what. And we will always try to give him what’s best for him at hinding-hindi kami mawawala sa likod niya at susuportahan namin siya sa lahat ng gusto niya. We will always be here to protect and love him.”

Promise naman ni Anthony sa kanyang mag-ina: “Magtatrabaho akong mabuti para sa kanila and I promise to take care and love them always.”

Sina Camille at Anthony ang personal na nag-asikaso para sa binyag ng kanilang anak. From the church to the reception ay sila ang nakipag-usap at nag-asikaso ng lahat. Sobrang hands-on sila dahil gusto nilang maging sagrado at makasama ang lahat ng taong nagmamahal sa kanila at sa kanilang anak na si Nathan.

“Sobrang hands-on kami sa preparations ng binyag ng anak namin,” sabi ni Camille. “From every little details, to venue, catering, church inasikaso talaga namin. Light blue ang napili naming motif.”

BIGGEST BLESSING. Sa lahat ng nangyari sa buhay ni Camille, ang pagdating sa buhay niya ni baby Nathan ang isa sa pinakamalaking blessings sa kanya.

Binanggit din ni Camille ang ilang traits na nakikita niya sa anak this early.

“He is very jolly, napakamasayahin niyang bata,” very proud na sabi ng dating child star. “He doesn’t cry, he rarely cries and he is always smiling. At four in the morning, tumatawa na siya kaya ako, kahit puyat-puyat pa, ‘pag nakita mo na yung smile niya, magigising na ako, naglalaro na kami. Kahit madaling-araw nilalaro na namin siya ng daddy niya.

“Sobrang mabait na bata si Nathan, yun ang isa sa mga sobrang thankful ako na ganoon siya. Kasi when I was pregnant, the first few months, medyo nandun yung umiiyak ako kasi it was very hard at first siyempre. When my family found out, when I told everyone about my situation, mahirap. Pero tinapangan ko yung loob ko saka dinadasal ko na sana hindi makaapekto sa kanya [Nathan]. I tried not to cry or to be depressed because I know it affects him somehow, s I’m just thankful na hindi yun nakaapekto sa bata,” kuwento ni Camille.

Dagdag ni Camille, tuwang-tuwa rin daw ang kanyang Mommy Alma at Daddy Dondi sa unang apo nila.

“Sobrang saya nila!” bulalas ng young actress. “Very excited sila lalo na nung dumating na kami ng Pilipinas [from Los Angeles]. Sobrang proud sila sa kanilang apo. Sobrang lokang-loka sila. Five AM pa lang, kumakatok na sila sa kuwarto to get Nathan para ilipat sa kuwarto nila or ibababa at paaarawan. So yun ang sistema namin sa house.”

GODPARENTS’ WISH. Message at wish nina Ninong John at Ninang Shaina sa kanilang inaanak na si Nathan ay: “Sana lumaking malusog, mabait na bata, at maging God-fearing si Nathan.”

Mensahe naman ni Daddy Dondi: “Congratulations, Camille and Tonton, ngayong nasa Christian world na si Nathan, sana palakihin n’yo siya nang mabuti at naaayon sa mabuting asal at pag-uugali.”

THE RECEPTION. After the baptismal of Nathan ay sa Blue Leaf Silk Pavilion sa McKinley Hill Village, Taguig, ginanap ang reception. Ilan sa mga dumating pang bisita nina Camille at Anthony ay sina John Lapus, Carlene Aguilar with baby Ccalix Andreas, Raymond Gutierrez, and Melissa Avelino.

Punung-puno ang pavillion ng mga kaibigan, kamag-anak, at pamilya nina Camille at Anthony. According to them ay almost 250 guests daw ang inimbitahan nila para makisaya sa binyag ng kanilang anak.

Pagpasok sa venue ay isang malaking tarpaulin ang naka-display with baby Nathan on the picture. Ang ganda ng decorations sa venue at nakapalibot ang naglalakihang teddy bears. Habang kumakain ay ipinapakita sa malaking video ang mga pictures ni Nathan.

THE INTERVIEW. After ng dinner ay sumabay na kami sa interview ni John Lapus for Showbiz Central sa mag-asawang Camille at Anthony with baby Nathan.

Kumusta sila ngayon bilang Mommy at Daddy?

“Mabuti. Sobrang nag-e-enjoy being a mommy at daddy kay Nathan. Sobrang healthy niya,” sagot ng dalawa.

Dagdag na kuwento ni Camille, “Right now, nagpa-extend ang daddy ko ng house doon sa Cainta, so doon kami nag-i-stay. But then on weekends, we go to Alabang to spend time with his [Anthony] family naman. Basta we have to spend time with both families.”

Siguradong spoiled na spoiled ang bata sa mga lolo’t lola nila…

“So far, hindi pa naman kasi maliit pa. Kaya ngayon pa lang sinasabihan na namin sila na hindi nila puwedeng i-spoil ang ang bata kasi mahirap,” ani Camille.

Ano naman ang adjustments na ginagawa ni Camille as a new mom?

“When it comes to adjustments naman, hindi ako nahirapan kasi I was very excited about the pregnancy. I was very excited na makita siya kaya alam ko ang mga gagawin ko. And now that he [Nathan] is here, talagang kami dalawa [ni Anthony] binubuhos lang namin ang oras namin sa kanya.

“Ang sarap-sarap! Wala akong masabi, sobrang blessed kami for having him in our lives. Also, sobrang thankful din ako kasi ang mommy ko is always there to give support sa akin at sa baby ko,” pahayag ni Camille.

If ever ba ay papayagan din nilang pumasok sa showbiz ang kanilang anak in the future?

“If he really wants, why not?” sagot ni Camille. “Pero ako kasi, gusto ko mag-focus muna siya muna sa studies niya, e.”

Sabi naman ni Anthony, “Ako naman, ayokong pangunahan ang bata. Kung ano ang gusto niya, susuportahan ko. Hindi maaalis if ever gusto niyang mag-artista kasi nasa dugo niya, e.”

Ni-reveal din ni Camille during the interview ang plano sana nila ni Anthony na pagpapakasal sa Pilipinas this year. Supposedly ay sa December 5 dahil yun ang anniversary nila ni Anthony, pero hindi na raw muna matutuloy. Hindi kasi nila nakuha ang wedding date na gusto nila kaya 2009 na lang daw magaganap ang kasalan.

“Supposedly this year, pero pinag-usapan namin na why not 2009 na lang. Kasi hindi naman namin kailangang madaliin at para mapaghandaan na rin naming mabuti,” sabi ni Anthony.

“I didn’t get the date that we wanted, kasi na-book na ‘yon ng iba. Ikinasal kasi kami civil [sa Los Angeles] last January 5, and December 5 is our anniversary kaya ‘yun ang gusto kong church wedding ko sana. May ibinibigay sa amin, ibang date, e, I’m not happy with the date. Ayoko namang dahil yun na lang ang available date, doon na kami pakakasal. Next year na lang siguro para maayos din namin ang lahat ng preparations.”

SHOWBIZ COMEBACK. With regards naman sa pagbabalik-showbiz ni Camille, sinabi ni Camille na “I haven’t talked to GMA yet. But I think they talked to Tito Arnold [Vegafria], my manager. ‘Tapos tinatanong lang nila kelan daw ako ready to go back to work. I think May yata magbabalik-showbiz na ako.”

Hindi rin naman daw pinipigilan ni Anthony ang kanyang asawa if ever gusto nitong mag-artistang muli.

“Okay lang naman sa akin. Pero ngayon may limitations kasi may asawa na siya at anak, e. Okay lang sa akin mag-work siya basta huwag niyang pababayaan ang anak namin.”

LESSONS LEARNED. Sa lahat ng nangyaring ito sa buhay ni Camille, marami raw siyang natutunan.

“Kasi before, nasanay ako na lahat ibinibigay sa akin, ‘tapos lahat nakahain na in front of me. Ngayon natuto akong kumilos. Now, I learned to be on my own,” sabi ng young actress.

Para kay Anthony, “Iba pala yung feeling ng pagiging daddy. Ngayon mas uunahin ko ang baby ko kesa sa gumimik ako.”

Nagbigay rin ng mensahe si Camille para kay Nathan: “He is the best blessing na natanggap namin ever sa buhay namin. And we are very lucky to have him in our lives and that we will do everything in our power to protect him and give everything ng lahat ng makakabuti para sa kanya.”

Message naman niya sa mga fans na sumusuporta sa kanya kahit ngayong mother na siya:

“To all my fans na forever sumusuporta sa akin, maraming-maraming salamat. Kasi from the beginning of my pregnancy at ngayong bininyagan na siya, nandiyan pa rin sila.”

BALOT ANTAZO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: