Ogie Alcasid promises to take care of Regine Velasquez despite busy sked

Ogie Alcasid promises to take care of Regine Velasquez despite busy sked

“Siyempre, relationship yun, kailangang alagaan ko,” says Ogie Alcasid about his relationship with Regine Velasquez, which is greatly affected by his busy schedule.

“Wala nang time for love,” malungkot na sinabi ni Ogie Alcasid nang kumustahin siya ng media sa press conference ng Pinoy Idol kahapon, March 28, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Sunud-sunod kasi ang magiging proyekto ng singer-comedian. Bukod sa weekly show nitong Bubble Gang at SOP, judge din siya sa talent-search program na Pinoy Idol na magsisimula sa April 5. Bali-balita rin na siya ang host ng nalalapit nang simulang game show na The Big Show. Dagdag pa rito, mayroon din siyang gagawing pelikula kasama ang kanyang real-life girlfriend na si Regine Velasquez at siyempre ang kanyang 20th anniversary concert titled 20/20 sa buwan ng Setyembre.

“Wala, e, nagkasabay-sabay lang talaga,” maikling komento ni Ogie ukol sa kanyang hectic na schedule. “I’m very excited about all the projects that I’m doing right now. It’s very, very exciting time. May awa ang Diyos, magkakaroon din ako ng time.”

Sa kanyang sobrang pagka-busy, naitanong tuloy ng media na hindi naman kaya magreklamo si Regine dahil sa kawalan ng pribadong oras na magkasama sila.

Diretsang sinagot ni Ogie, “Hindi pa naman, kasi siya [Regine], busy na rin. Medyo kaming dalawa siguro magrereklamuhan, pero hindi bale siguro alalayan na lang natin. Hindi ko pa alam kung anong mangyayari.”

Gayunman, siniguro naman ni Ogie ang media na hindi niya pababayaan ang relasyon nila ng Asia’s Songbird. Dagdag paniniguro pa niya, “Oo naman [nandiyan pa rin ang love], siyempre relationship yun, kailangang alagaan ko.”

REGINE AND PINOY IDOL. Matatandaan na napabalita noon na magiging parte rin sana si Regine sa singing talent search na Pinoy Idol ngunit hindi ito natuloy at hindi rin naging malinaw ang naging dahilan nito.

Nang tanungin ng media kung ano ang kanyang nalalaman sa posibleng dahilan ng hindi pagkakasama ni Regine sa naturang show, paiwas na sumagot si Ogie. “Hindi ko siguro dapat sagutin ‘yan. Dapat siguro si Regine siguro kasi parang it’s not my place to answer,” sabi ni Ogie.

Sa pangungulit ng media, hindi na napigilan ni Ogie na sabihin ang kanyang nalalaman. Kuwento ni Ogie, “Actually, ang alam ko diyan ha, ito ang personally alam ko, hindi nagtugma yung schedule niya kasi alam ko she’s leaving for… my [concert] tour siya. Then, sisimulan na yung kung anuman yung gagawin niya.”

Para kay Ogie, mainam na rin daw ang nangyari para sa schedule ni Regine dahil sa demands ng trabaho para sa Pinoy Idol.

Paliwanag ng singer-comedian, “Dito, I had to… binura ko ang lahat ng schedules ko. Talagang wala akong absent dito. Para sa akin ang hirap na, actually, may sakripisyo ng konti. Pero dahil mahal na mahal ko ang show, mahal ko ang showbiz and I wanted to be part of this, binura ko lahat ng schedule ko.”

Bagama’t nalulungkot siya na hindi sila muling magkakasama sa isang show ni Regine matapos ang kanilang Celebrity Duets, inamin ni Ogie na naging masaya naman siya kasama ang kanyang fellow Pinoy Idol judges na sina Wyngard Tracy at Jolina Magdangal at ang host nito na si Raymond Gutierrez.

“Pero alam mo kaming tatlo, ang saya namin,” sambit ni Ogie. “Magkakaiba kami ng personalidad, magkakaiba kami ng generation, nagsasama-sama kami. Noong tumigil nga yung out of town, nagte-text nga sa akin si Jolens [popular nickname ni Jolina], ‘Kuya, miss na kita.’ And I hope every year na ito kasi na-develop namin yung friendship namin sa isa’t isa, yung bonding namin, ang galing, ang galing.”

20th ANNIVERSARY CONCERT. Bukod sa Pinoy Idol, busy rin ang singer-songwriter sa kanyang nalalapit na 20th anniversary concert na 20/20.

Kaugnay nito, tuloy daw ang pagdating ng kanyang mga anak kasama ang estranged wife na si Michelle Van Eimeren.

Ayon kay Ogie, “Sa huli kong pakikipag-usap sa kanila, oo, darating yung mga anak ko at saka si Michelle.”

Ngunit hindi pa rin sigurado si Ogie ukol sa tiyak na petsa ng pagdating nila. Aniya, “Hindi ko alam kung kailan ang eksakto nilang pagdating, e, pero ang pakay ko naman talaga ay yung mapanood ako ng mga anak ko.”

Sumunod nito ay ikinuwento ni Ogie ang mga ginagawa niya ngayon para sa concert. Excited na sinabi ni Ogie, “Nag-start na kami ng preparations. It’s going to be with a full orchestra. All the repertoire will be the first time in my life. Lahat ng music na isinulat ko, kinanta ko, na naging in collaboration with other artists…

“I’m very excited nag-confirm na yung ibang mga naging kasama ko katulad ni Piolo [Pascual], of course, si Regine, si Janno [Gibbs], si Jaya, at may ilan pa akong kinu-confirm. Kasi yun ang gusto ko, na maging part sila ng celebration—20 years of music that I’ve contributed to the Philippine music industry.”

Sa bandang huli, tinanong ng media kung may special bang mangyayari sa kanyang concert—a wedding announcement.

“Ano ba, concert naman yun!” natatawang sagot ni Ogie. “I just want the people to go there, watch the concert, enjoy the music that they’ve been enjoying for the past 20 years. This is my way of thanking yung mga bumili ng mga CD ko and watched my concert for the past 20 years.”


NERISA ALMO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: