KC Concepcion confirms homecoming of dad Gabby Concepcion

KC Concepcion confirms homecoming of dad Gabby Concepcion

“Well, ang alam ko po na darating po siyang talaga. Hindi ko po alam exactly when,” says KC Concepcion about the return of her father, Gabby Concepcion, to the Philippines after 13 years.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay KC Concepcion sa presscon ng month-long drama anthology niya sa ABS-CBN na I Am KC, naitanong sa kanya ang tungkol sa kanyang ama na si Gabby Concepcion at ang balitang nakatakda na itong umuwi sa bansa on April 1.

Halatang may communication si KC sa kanyang papa at hindi naman nagulat sa impormasyon. Pero aniya, “Well, ang alam ko po na darating po siyang talaga. Hindi ko po alam exactly when, pero I know na April 4 ang birthday ng lolo ko [Rolly Concepcion] and he wants to be with him for his birthday. Kasi po, parang may heart condition ang lolo ko, na thirteen years na niyang hindi nakikita. Kasi hindi makalipad ang lolo ko, si Daddy Rolly.”

May idea pala siyang talaga sa pag-uwi ng Papa Gabby niya?

“Opo, nag-uusap naman po kami,” pag-amin ni KC. “Pero yung specific date, gusto raw niya akong i-surprise. Ayaw raw niyang sabihin sa akin. But it’s really for my lolo.”

PROJECT WITH PAPA GABBY. Naitanong din ng PEP kay KC ang possibility na sa pagdating ng papa niya at may mag-offer sa kanila to do a special show, papayag ba siya?

“Siyempre, dapat po may approval ng mom ko [Sharon Cuneta] talaga. Ganoon ko siya kamahal na dapat may approval niya, lalo na yung mga ginagawa ko. Siguro kung hindi ko naman siya mahal, hindi ko na papansinin yun, di ba?” pahayag ng dalaga.

Pero as a daughter, according to KC, she would really love to do a project both with her dad and her mom.

“I would love to!” bulalas niya. “Of course, of course…nakakatuwa yun! Something to look forward to kung mangyari man. Pero marami pang pag-uusapan to get there, e. Siyempre, thirteen years siyang [Gabby] hindi nakauwi.”

Hindi rin lingid kay KC ang mga kaso ng ama na naghihintay sa pag-uwi nito. Pero ayon sa dalaga tungkol sa kanyang ama, “Naku, fearless siya! Hinintay niyang kay tagal before siya bumalik. So I think alam naman niya that this is the time to be here. So, if ever meron man na may ganoon, I’m sure handa siyang harapin yun kasi hindi naman siguro siya maghihintay ng ganoon katagal, ‘tapos hindi siya handa.”

Hindi rin itinanggi ni KC when asked kung ano ang reaction ng mommy niya sa napipintong pagdating ng kanyang ama.

“Tinatanong po niya kung totoo. Pero kagabi [March 27] ko lang din po actually nalaman na confirmed na darating siya. Pero hindi ko pa rin po alam kung kailan kasi mamaya ko pa lang din makakausap ang tita ko. Kasi gabi na po ngayon sa States.

“Wala pa po talaga akong idea kung kailan. Kasi nga po, gusto raw niya akong i-surprise. At siyempre po, kung nandito siya for my lolo’s birthday, nandito rin siya for my birthday. So, ang ganda po,” very positive na pahayag ni KC.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: