Jennylyn Mercado still firm on decision not to use Patrick Garcia’s surname for their baby

Jennylyn Mercado still firm on decision not to use Patrick Garcia's surname for their baby

 

“Kung ano po ang sinabi ko noon, ganun pa rin ang stand ko,” says Jennylyn Mercado about her decision not to use ex-boyfriend Patrick Garcia’s surname for their baby.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainemnt Portal) ang young actress na si Jennylyn Mercado sa birthday celebration ng young actor na si Joseph Bitangcol na ginanap kagabi, March 28, sa Stoodio Bar sa Mother Ignacia, Quezon City.

Ayon kay Jennylyn, nagkausap na raw sila ni Patrick Garcia, ang ama ng sanggol sa sinapupunan niya.

“Tumawag po siya sa akin. Pero mabilis lang ang naging pag-uusap namin. Hindi man lang niya tinanong ang kalagayan ko. Parang hi, hello and goodbye lang,” lahad ni Jennylyn.

Magli-limang buwan na ang dinadala ni Jennylyn at gaya ng sinabi niya noon, kapag nailabas niya na ang bata ay hindi niya isusunod ang apelyido nito kay Patrick. Ang surname niyang Mercado lang ang gagamitin ng bata.

“Kung ano po ang sinabi ko noon, ganun pa rin ang stand ko,” sabi ni Jennylyn.

May regrets ba siya na si Patrick ang minahal niya?

“Wala namang regrets,” sagot niya.

Mahal pa rin ba niya si Patrick?

“Mahal ko pa rin po siya, pero unti-unti na pong nawawala ang pagmamahal ko sa kanya,” diretso niyang sagot.

Paano kung isang araw ay lumapit sa kanya si Patrick at makipagbalikan sa kanya, tatanggapin pa rin ba niya ito?

“Huwag niya na pong gawin yon. It’s too late.”

Tinanong din ng PEP si Jennylyn kung totoong umalis na siya sa pangangalaga ni Becky Aguila, ayon sa napabalitang ulat.

Nagulat si Jennylyn sa aming tanong, sabay sabing, “Si Tita Becky pa rin po ang manager ko. Wala naman pong dahilan para umalis ako sa kanya. Wala naman po kaming problema.”

ROMMEL PLACENTE
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: