Gerald Anderson chosen to play the male lead in the Pinoy version of “My Girl”

Gerald Anderson chosen to play the male lead in the Pinoy version of

“It’s very good. I really like Julian’s character. He’s very strong and affectionate also,” says Gerald Anderson about his character in My Girl.

Binigyan ng solo presscon ng ABS-CBN ang young actor na si Gerald Anderson para sa official announcement ng pagkakapili sa kanya bilang leading man ni Kim Chiu na gaganap sa kauna-unahanang Koreanovela franchise na gagawan ng Pinoy version ng Kapamilya network, ang My Girl. This is another first na handog ng ABS-CBN sa kasaysayan ng telebisyon sa buong Asya.

Iba-iba ang pangalan na lumutang kung sino ang magiging kapareha ni Kim sa My Girl pagkatapos i-announce sa presscon ng “Dream Big Kapamilya”—to launch the new seasons of Pinoy Big Brother Teen Edition Plus at Pinoy Dream Academy—na si Kim ang gaganap bilang Jasmine na lead sa naturang Koreanovela.

Pero nilinaw ng executive at business unit head ng ABS-CBN na si Mr. Deo Endrinal sa presscon na bago pa man i-announce na si Kim na ang napili nila para sa My Girl, napagdesisyunan na rin nila that time na si Gerald ang makakapareha niya at gaganap bilang 21-year-old na si Julian. Hindi lang daw nila agad in-announce na kasama rin si Gerald sa My Girl dahil presscon nga ni Kim ‘yon para sa Dream Big Kapamilya shows.

“Happy po ako siyempre and excited din ako. It’s my first time kasi. Oh, I have to go through some workshop para mag-mature ang acting ko and internally na rin,” bungad ni Gerald sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sinimulan na rin daw ni Gerald na panoorin ang Korean version ng My Girl and so far, nasa seventh episode na siya.

“It’s very good. I really like Julian’s character. He’s very strong and affectionate also,” sambit ng young actor.

Sinorpresa naman si Gerald ni Kim nang umapir din ang young actress sa solo presscon ng ka-love team. Natanong tuloy si Gerald kung ano ang ireregalo niya sa nalalapit na 18th birthday ni Kim sa April 19.

“Surprise,” ngiti ni Gerald. “Basta malalaman din ninyo ‘yon.”

Anytime now ay magsisimula na sina Gerald at Kim sa taping ng My Girl, na nakatakdang ipalabas sa May. Pero sa April, mauunang ipalabas ang isa pang show ng pares na pagbibidahan ni Claudine Barretto, ang Maligno.

“Hindi sila mag-overlap,” paniniguro ni Gerald.

PBB TEEN PLUS. Kapansin-pansin na sunud-sunod ang projects nina Gerald at Kim this summer. Hindi raw kaya sinadya ito para makasabay sila sa mga bagong kabataan sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition Plus na umaani ngayon ng maraming pansin mula sa televiewers.

“E, di maganda ang timing kung ganun,” sabi ni Gerald.

Maski sina Kim at Gerald ay adik din sa panonood ng PBB Teen Edition Plus. Bilib si Gerald sa Italian na si Alex na kamukha raw ni Gab Valenciano.

“Kasi siya, inamin niya [na hindi pa tuli], wow! Lalaking-lalaki siya noon,” bulalas ni Gerald.

Kung siya raw ang ganun, baka hindi siya umamin at pumayag na magpatuli sa loob ng PBB house at masasaksihan ng buong mundo.

“Hala! Hindi, kaya nga bilib na bilib ako sa kanya. Hindi ko kaya ‘yon,” natatawang sabi ni Gerald.

Sa mga babae naman, type ni Gerald ang magandang si Valerie. Hindi naman daw nagselos si Kim nang sabihin ni Gerald ‘yon sa amin na nakaharap siya. Kasi kahit si Kim ay may gusto rin sa mga teen housemates at yun ay si EJ.

Pero nagkaisa naman sina Kim at Gerald kung sino para sa kanila ang dapat tanghaling Big Winner sa PBB Teen Edition Plus. Ito ay walang iba kundi ang may kapansanan na si Priscilla.

“Si Priscilla, extra effort yun, e,” sabi ni Gerald.

Sabi naman ni Kim, “Ako rin, kasi konti lang ang makapagkunwari na nakakarinig ka at nakakapag-lip reading.”

SHOPPING IN HONG KONG. Samantala, nilinaw naman ni Gerald ang lumabas na balitang ipinag-shopping niya si Kim sa Hong Kong nung last time na nagpunta sila bago mag-Holy Week.

“Hindi naman. Mga tatlong damit lang naman ang binili ko. Shopping na ba ‘yon?” natatawang pagtapos ni Gerald.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: