Ama ng bayani namatay habang nanonood ng boksing

Alam nyo ba na inatake sa puso at namatay ang ama ng isang kilalang bayani ng bansa habang nanonood ng boksing sa Maynila noong 1947?

Si Benigno “Igno” Aquino, Sr., ama ng bayani at dating Senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ay masugid na tagasubaybay ng boksing. Sinasabing inatake ito sa puso habang nanonood ng laban sa Rizal Memorial Coliseum noong Disyembre 20, 1947.

Tulad ni Ninoy, naging kongresista rin ng Tarlac si Aquino Sr o “Igno” noong 1919 at 1922, at nahalal na senador noong 1928. Naging bahagi rin siya ng Philippine Independence Mission noong 1931 para hingin ang kalayaan ng Pilipinas pananakop ng Amerika.

Taong 1937 nang hirangin siya ni Pangulong Manuel Quezon sa ilalim ng Commonwealth Republic bilang kalihim ng Department of Agriculture.

Nang sakupin ng Japan ang Pilipinas noong 1941, nahirang si Igno na opisyal ng KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) at isa sa dalawang tagapangulo ng Preparatory Commission for Philippine Independence. Kasunod nito ay nahalal muli siyang kongresista at naging Speaker ng Kamara de Representantes.

Nang manaig ang US kontra Japan noong 1944, dinakip at nilitis si Igno dahil sa alegasyon ng pakikipagsabwatan sa Japan pero nakalaya din noong 1946.

GMANews.TV

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: