Yilmaz Bektas reportedly dating 2006 Miss Universe Zuleyka Mendoza

Yilmaz Bektas reportedly dating 2006 Miss Universe Zuleyka Mendoza

Turkish businessman Yilmaz Bektas is reportedly dating 2006 Miss Universe Zuleyka Rivera Mendoza. The relationship of the two was featured in the Turkish newspaper Hurriyet.

Matagal-tagal na ring walang naririnig mula sa estranged Turkish husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas pagkatapos niyang bisitahin ang asawa at ang kanilang dalawang anak dito sa Pilipinas noong August 2007.

Pero ngayong linggo ay lumabas sa mga pahayagan at magazines sa Turkey, kagaya ng Hurriyet, na may bagong babaeng idini-date si Yilmaz. Ang bagong babae sa buhay ng Turkish businessman, ayon sa mga reports, ay si Zuleyka Rivera Mendoza—ang 2006 Miss Universe mula sa Puerto Rico.

Sa isang issue ng Hurriyet ay may artikulo tungkol sa relasyon nina Yilmaz at ng 20 years old na si Zuleyka. Nabanggit din ang pangalan ni Ruffa, ang 1994 Miss World 2nd Runner-up, na asawa nga ng Turkish businessman. Sa kasalukuyan ay inaayos na nina Yilmaz at Ruffa ang kanilang divorce upang mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Kasama rin sa naturang artikulo ang isang solo picture ni Zuleyka at dalawang litrato na magkasama sila ni Yilmaz na tila kuha sa isang party. Sa isang larawan ay parehong naninigarilyo ng tobacco sina Yilmaz at Zuleyka, samantalang sa isa naman ay tila may ibinubulong si Yilmaz kay Zuleyka habang hawak-hawak ng Turkish businessman ang leeg ng dating Miss Universe.

Pagkatapos ng kanyang reign bilang Miss Universe, susubukan naman ngayon ni Zuleyka ang mundo ng pag-arte bilang television actress. Kasama siya sa Telemundo soap opera na Dame Chocolate.

RUFFA KNOWS. Pagkatapos lumabas ng balitang ito tungkol kina Yilmaz at Zuleyka, marami ang nagtatanong kung alam na ito ni Ruffa. Ayon sa mga nakapaligid sa TV host-actress ay alam na ito ni Ruffa at ng kanyang pamilya.

Ayon sa malalapit na kaibigan ni Ruffa, naiyak ang TV host-actress nang mabalitaang may girlfriend na si Yilmaz.

Nag-aalala ang mga kaibigan ni Ruffa na baka sa mga bagong pangyayaring ito ay magkabalikan pa ang mag-asawa. Sabi nila, ganun daw kasi talaga ang ugali ni Yilmaz. Pinapagselos lang nito si Ruffa sa pamamagitan ng pagpapakita na may iba nang babae sa buhay niya bilang pang-akit ulit sa asawa.

Kung si Yilmaz ay may bago nang minamahal, sa tingin naman ng mga kaibigan ni Ruffa, ay wala pa ring ipinapalit ang TV host-actress sa kanyang asawa ng ilang taon.

ANNABELLE IS HAPPY. Pero kung meron namang natutuwa sa balitang tungkol sa relasyon diumano nina Yilmaz at Zuleyka, ito ay walang iba kundi ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama. Hindi naman kaila sa lahat ang kagustuhan ni Annabelle na tuluyan nang iwanan ng kanyang anak si Yilmaz.

Inaamin pa nga ni Annabelle sa mga malalapit sa kanya na araw-araw niyang ipinagdadasal sa Sto. Niño niya na huwag nang balikan ni Ruffa si Yilmaz. At ang isang paraan na nakikita niya upang mangyari ito ay ang makahanap ng ibang pag-ibig si Yilmaz, na tila nagkaroon na ng katuparan ngayon.

Tungkol naman sa mga anak nina Ruffa at Yilmaz na sina Lorin at Venice, ayon sa malalapit na kaibigan ng TV host-actress, tila hindi na nabibigyan ni Yilmaz ng atensiyon, panahon, at suporta ang mga bata. Ayon sa mga kaibigan ni Ruffa, ito raw ang ikinalulungkot ni Ruffa.

ERWIN MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: