KC Concepcion’s birthday wish granted in “I Am KC”

KC Concepcion's birthday wish granted in

 

“Wish granted po ‘to [drama anthology]. Ito pong birthday wish ko po na ito na sana, meron akong maibigay na birthday gift, at ito po ang ibinigay ng ABS-CBN sa akin. So talagang wish come true po talaga,” says KC Concepcion about her month-long drama anthology, I Am KC.

Isang month-long drama anthology na may apat na episodes and four different co-stars and directors ang I Am KC na magsisimula mamayang hapon, March 29, at 7 p.m. ang birthday treat ni KC Concepcion para sa mga taong naniniwala sa kanya. Birthday gift na rin daw niya ito sa sarili niya dahil magse-celebrate siya ng kanyang 23rd birthday sa April 7.

Sa presscon ng I Am KC kahapon, March 28, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, naitanong kay KC kung paano siya nag-prepare for her drama anthology at kung ano ang pakiramdam na binigyan siya ng kanyang self-titled drama anthology ng Kapamilya network?

“Ang maganda po rito, for the month of April lang po siya,” panimula ni KC. “Hindi po siya extended. Talagang yung script inaaral ko po at nakakakuha po ako ng inspirasyon sa mga nakakatrabaho ko po at ang su-supportive po nilang lahat.

“Sobrang nirerespeto ko po ang mga actors, like Tito Albert [Martinez], kasi ang tagal-tagal na po nilang ginagawa ito and it’s really an honor na sumali at pumayag sila sa mga istoryang ito. Just that alone, ayokong mapahiya sa kanila at binabalewala ko lang ang mga opportunities na ganito. Ipinagkatiwala po sa ‘yo ng network ang isang project na ganoon at kahit naman po siguro sino sa mga artista, talagang pagbubutihan talaga because hindi araw-araw dumarating ang opportunity.”

POSSIBLE EXTENSION. Hindi pa man nagsisimulang umere ang drama anthology ni KC, may mga nagsasabi na bakit four episodes lang at hindi siya gumawa ng talagang long-running drama anthology. Ano ang reaksiyon ni KC dito?

“Yung I Am KC po talaga is a birthday offering. Birthday ko is April 7 po, so for the month of April po talaga siya. Actually, nag-start po kami ng March 29, pero counted na po ‘yon for the birthday offering. Kung mag-extend naman po siya, e, di hindi na po siya birthday gift,” paliwanag ni KC.

What if may clamor ang mga fans for an extension?

“We’ll see…we’ll see,” sagot ni KC. “May possibility naman po. We’ll see na lang kung ano ang magugustuhan ng mga tao sa apat na episodes na ‘yon. And since mag-uumpisa na po siya sa Saturday [today], maghintay na lang po tayo ng konting oras para malaman natin kung itutuloy ba or if ever, pelikula na… Alin ang masgugustuhan nila, pelikula or I Am KC?” natatawa niyang sabi.

WHO IS THE REAL KC? Sa tema ng show at sa title, tila nagpapakilala ito kung sino talaga si KC or si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion sa tunay na buhay. Pero kung siya mismo ang tatanungin, sino nga ba si KC?

“Well, ito nga po…inisip ko pa nga po ang title before. Kasi, why I Am KC kung hindi naman po talaga si KC ang ipinapakita ko sa mga episodes? You’re playing different roles na hindi naman si KC ang ipinapakita ko talaga sa mga episodes. Pero ang I Am KC, ito na po yun, ako na po ‘to.

“I think I’m not to answer who I am. Basta I live my life. Kung ano na lang po ang makita ng tao sa akin, yun na lang po yun. Sa apat na episodes po na yun, yung tao na lang po ang mag-decide kung anong KC doon ang magugustuhan nila,” pahayag ng panganay na anak ni Sharon Cuneta.

POOR KC. Sa first episode na matutunghayan mamaya, na pinamagatang “Binibining Palengke,” bagama’t comedy ito ay isang mahirap ang role na ginagampanan ni KC. Marami ang nagtatanong kung madali ba para sa kanya ang maka-relate sa mga poor characters dahil kabaligtaran yun ng kinalakihan niyang buhay.

Ayon kay KC, “Very close po kasi akong talaga habang lumalaki sa mga kasambahay namin. And since mag-isa lang po akong lumaki, sila ang mga kausap ko. Nagpapakuwento ako sa kanila. Sila rin naman nagkukuwento.

“So, lumaki ako sa kanila na naririnig ko mga kuwento nila. Nakikita ko ang mga galaw nila. Nakikilala ko ang mga anak nila. Malaking impluwensiya po talaga yun na ang mga kalaro ko, mga anak ng kasambahay. At hindi po sila naiiba.

“And karamihan naman po talaga sa Pilipinas, hindi naman po talaga mataas ang lifestyle, sonatural lang po dahil yun po yung nakikita natin sa araw-araw. At saka, mahilig din po akong lumabas, sa mga probinsiya, nakakakilala ng mga tao,” lahad ng dalaga.

PROJECT WITH MOM. May nagtanong din kay KC kung bakit wala sa isa man sa apat na episodes na ginagawa niya for I Am KC ang kanyang Megastar mom na si Sharon Cuneta. Hindi naman itinanggi ni KC na kung magkakasama man daw siguro silang mag-ina, that would be for a movie.

“If ever, parang gusto ko na movie talaga,” pag-amin niya. “Para siyang mas engrande, a bigger screen. I’m not confirming that we’re going to do a movie na, but if to entertain the idea na we’ll be together, I guess movie na talaga. What do you think?” nakangiting tanong pa niya sa entertainment press na nasa presscon.

BIRTHDAY WISH. This April 7, KC will be turning 23 years old. Kung titingnan nga siya, it seems na nasa kanya na lahat ng wini-wish ng kahit sinong babae. Pero meron pa ba siyang matatawag na birthday wish?

“Hindi po, ‘yan lang akala n’yo,” nahihiya niyang sabi. “Pero ito po…wish granted po ‘to [drama anthology]. Ito pong birthday wish ko po na ito na sana, meron akong maibigay na birthday gift, at ito po ang ibinigay ng ABS-CBN sa akin. So talagang wish come true po talaga.”

For the first time din daw after niyang mag-aral sa Paris ay magse-celebrate siya ng birthday sa Pilipinas with her friends and family. Plano nga raw niya na gawin ito sa isang beach.

“Well, first time ko po in four years na mag-celebrate ng birthday sa Pilipinas na makakasama ko ang mga kaibigan ko rito and ma-experience mo yung araw at dagat sa Pilipinas,” pagtatapos ni KC.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: