Katrina Halili produces coffeetable book to promote tourism and art

Katrina Halili produces coffeetable book to promote tourism and art

“Lahat ng ginagawa ko, paiba lang siya nang paiba. Pero basta iba ito, surprise na lang, hintayin na lang nila. Ayoko na lang ikuwento basta mas sexy,” says Katrina Halili about her coffeetable book.

Aminado ang sexy young actress na si Katrina Halili na isang malaking sugal ang kanyang pagpu-produce ng sarili niyang coffeetable book. Dito, ipapakita niya raw ang lahat ng kanyang makakakaya bilang isang sexy model. Pangarap daw kasi ni Katrina ang ma-feature sa ganitong klaseng babasahin. (See pictures inside)

“Kasi nung bata pa ako, mahilig akong tumingin ng magazines. ‘Tapos ngayon nagshu-shoot ako na ako ng FHM, ‘tapos nakahiligan ko na rin siya. Naisip ko, bakit hindi ko gawin,” kuwento ni Katrina sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal).

Boracay Island ang napiling location ni Katrina sa kanyang unang layout. Sa isang cove malapit sa Station 1 ng Bora naganap ang pictorial. Hindi maikakaila na nakikipagsabayan ang kaseksihan ni Katrina sa ganda ng lokasyon.

Isang sea goddess at isang socialite shipwreck survivor ang drama ni Katrina sa kanyang unang mga layout. Kitang-kita sa mga larawan kung gaano walang-takot na nagpa-sexy si Katrina.

“Lahat ng ginagawa ko, paiba lang siya nang paiba. Pero basta iba ito, surprise na lang, hintayin na lang nila. Ayoko na lang ikuwento basta mas sexy,” pagbibida ng StarStruck Batch 1 Avenger.

Tinatayang si Katrina ang kauna-unahang magre-release ng isang coffeetable book sa kanyang henerasyon. Dahil dito, kinakabahan daw siya dahil sa expectation na rin ng mga tao.

“Nakakatakot din, pero mas nae-excite ako. Nae-excite talaga ako kasi gustung-gusto ko siyang gawin,” bulalas ni Katrina.

Umpisa pa lang daw ang Boracay, dahil lilibot daw si Katrina sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ipapakita niya raw sa kanyang coffeetable book ang magagandang tanawin sa Pilipinas.

“Nandito kami ngayon sa Boracay, ‘tapos next kaming pupunta ng Palawan, Romblon, at marami pang place na pupuntahan namin para mag-shoot kami,” sabi ni Katrina.

“We are trying to infuse tourism, entertainment, and then art [in this book]. I think it’s very good,” ayon naman sa photographer na si Nicolo Cosme.

Dagdag ni Nicolo, “Basically, nag-meeting kami that night nung dumating dito. May mga themes kami na susundin, sexy, provocative pero hindi bastos. I think natsa-challenge din siya, e. Hindi ko puwedeng i-disclose yung buong details, pero I think she will be baring a lot of skin.”

Hindi lang daw sa Pilipinas ire-release ni Katrina ang kanyang coffeetable book. Naghahanap na rin daw siya ng ilang partners para mai-release ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

NELSON CANLAS
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: