Jolina Magdangal speaks up about Gabby Concepcion’s backing out

Jolina Magdangal speaks up about Gabby Concepcion's backing out

“Ang feeling ko, magkaibigan kami… Nang pag-usapan na gagawa kami ng movie, talagang masaya, ‘tapos bigla kang aatras?” says Jolina Magdangal about the last-minute decision to back out from their movie.

Sa April 2 ay aalis si Jolina Magdangal at ang iba pang cast ng I.T.A.L.Y. para sa shooting ng naturang pelikula sa Italy. Gagampanan dito ni Jolina ang papel ng isang chambermaid. Nag-train siya sa Magsaysay Shipping para magampanan nang tama ang kanyang role.

Sa nabanggit na pelikula dapat kasama si Gabby Concepcion, pero sa last minute ay nag-backout ang dating matinee idol. Si Dennis Trillo ang napiling ipalit ng GMA Films kay Gabby.

Kung talagang magpapaka-honest na si Jolina ngayon, ano ang tunay niyang naramdaman nang mag-backout si Gabby?

“Honest ito, ha! Nagulo ang kalooban ko, sobra!” pag-amin ni Jolina. “Ang ganda ng usapan namin. Gentleman’s agreement, kumbaga, at ilang weeks na lang aalis na kami. Pasalamat lang kami sa GMA Films, dahil kahit malaking aberya ang nangyari, itinuloy pa rin ang project.”

After mag-decide si Gabby na hindi na gawin ang pelikula, sinabi ni Jolina na wala na silang communication ng dating aktor. Pero nag-text daw si Gabby at nag-wish ng good luck nang malamang tuloy pa rin ang pelikula.

“Kung anuman ang dahilan ng pagba-backout niya, it’s between him and GMA Films. Naniniwala rin akong may purpose si God kung bakit nangyari ‘yon at ayoko munang isipin. Sa pelikula ako nakatutok ngayon,” pahayag ni Jolina sa presscon ng Pinoy Idol kaninang tanghali, March 28, sa Annabel’s restaurant.

Disappointed ba siya sa ginawa ni Gabby?

“Ang feeling ko, magkaibigan kami… Nang pag-usapan na gagawa kami ng movie, talagang masaya, ‘tapos bigla kang aatras?” saad niya.

Kaibigan pa rin ba ang turing niya kay Gabby after ng ginawa nito?

“Parang ayoko munang isipin, sa movie muna,” pag-iwas niya. “‘Pag inisip ko, baka magalit lang ako, e, ayoko ng negative. Basta ang alam ko, tuloy ang movie at si Dennis Trillo na ang makakasama namin.”

Samantala, kinumpirma ng anak ni Gabby kay Sharon Cuneta na si KC Concepcion ang pagbabalik ng dating aktor sa Pilipinas sa first week ng April. Ito ang unang pagkakataon na magbabalik sa bansa si Gabby pagkalipas ng 13 years.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: