Angelika dela Cruz still watches former soap “Prinsesa ng Banyera”

Angelika dela Cruz still watches former soap

“Gusto ko munang mag-work. Na miss ko, e. Na-miss ko na mangarag. Parang yung feeling ko ngayon. Nami-miss ko yung ganitong feeling. Yung parang lutang ka sa pagod, ganun,” replies Angelika dela Cruz when asked if she has already plans of settling down.

Abala na ulit si Angelika dela Cruz sa pagte-taping ng bago niyang programa sa GMA-7, ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Pero kahit nagsimula na ang bagong show ni Angelika sa Kapuso network, sa week three pa raw bago siya mapapanood dito.

“Haggard na,” bungad ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng launching niya bilang bagong additional celebrity endorser ng “Blooming Skin and Cosmetic Surgery Center.”

Unlike before na once a week lang ang taping niya, this time almost every day ay may trabaho si Angelika sa GMA-7.

“Like mamaya, may taping ako after ng presscon ko dito. Ang taping namin is three times a week. Kaya lang ‘pag nag-guest…parang ngayon may guesting ako for E.S.P., nakasingit doon sa gitna, dalawang-araw. Kaya five times bale ako nagte-taping. Maaga kasi kaming natatapos sa Babangon dahil kay Direk Joel [Lamangan]. Hindi siya puwedeng magpuyat.”

PRINSESA NG BANYERA. Isa sa mga isyung ibinato noon kay Angelika kaya siya umalis sa pang-hapong teleserye ng ABS-CBN na Prinsesa ng Banyera ay dahil hindi raw niya nagustuhan ang patindi nang patindi na pagiging kontrabida niya sa show na pinagsamahan nila ni Kristine Hermosa. Hindi na raw niya ito matiis kaya umalis si Angelika na pinabulaanan naman ng aktres. Kaya nung bumalik daw siya sa GMA-7 ay ni-request niya na huwag siyang bigyan ng kontrabida role.

“Hindi ko naman ni-request ‘yon. Okay lang sa akin. Kaya kung sino man ang nagsulat noon, manahimik ka. Naku, manahimik ka! Iritable?” biglang bawi ng galit kasunod ang ngiti ni Angelika.

Nami-miss ba niya kahit papano ang dating show sa ABS-CBN?

“Siyempre,” sagot niya. “Nanonood ako. Nanonood ako basta gising ako at walang ginagawa ng ganung oras.”

Ano ang masasabi niya sa performance ni Ara Mina na ipinalit sa kanya sa Prinsesa ng Banyera?

“Hindi naman ako kritiko para mag-rate, di ba? I’m happy it’s Ate Ara. She’s my friend, e,” ani Angelika.

Pero sa tingin ba niya ginagawa naman nang maganda ni Ara ang trabaho niya sa Prinsesa ng Banyera?

“Yes, and si Tin [Kristine] nami-miss ko. Sa text na lang kami nag-uusap,” sagot ng aktres.

NEGOTIATING WITH GMA FILMS.
Two years exclusive contract ang pinirmahan ni Angelika sa GMA-7. As of now, nakikipag-negotiate naman siya para sa GMA Films.

“E, hiwalay po ‘yon. Hindi pa ako pumpirma. Kakaayos lang nila. In fact, kagagaling ko lang doon ngayon,” balita niya.

May movie offer ba sa kanya?

“Para sa maraming bagay. Ayaw pa nila kasing ipasabi. Kasi hindi pa…ang hirap kasing magsalita kapag hindi pa ‘tapos hindi pa matutuloy,” maingat niyang sabi.

NO PROBLEM WITH DADDY ERNIE. Kamakailan, may isyu na naman na lumabas tungkol sa kanila ng ama niyang si Mr. Ernie dela Cruz. Tila nagkakatampuhan daw ulit sila ng kanyang ama. Totoo ba ito?

“Okay kami. Ano na naman ‘yan? Iritable na naman?” medyo iritable niyang sagot.

“Pasensiya na, walang tulog,” bawi ni Angelika. “Walang pasensiya, pero siyempre ayoko kasi ng pinakikialaman ang pamilya ko. Kasi my dad had enough of yung mga ganyan, yung lagi siyang sinusulat hindi maganda. Luma na ‘yon, e. Hindi na nga nakikialam yung tao, huwag din sana natin siyang pakialaman.”

Ano ngayon ang pinagkakaabalahan ng kanyang Daddy Ernie?

“Wala, sinasamahn niya ako sa taping kasi wala akong yaya, e. Yung yaya ko pinauwi ng asawa niya sa probinsiya. So, nagte-taping ako lang mag-isa ‘tsaka yung driver. Kaya si Daddy kasama, siya ang magbabantay sa akin,” lahad ni Angelika.

THE ONE FOR ANGELIKA. Samantala, hindi maitatago na happy ang lovelife ni Angelika ngayon. Suot-suot ni Angelika sa launching niya bilang endorser ng Blooming Skin and Cosmetic Surgery ang diamond-studded ring na regalo sa kanya ng boyfriend niyang si Orion Casaero nung second year anniversary nila last December.

“Ang gift ko naman sa kanya is diving equipment,” ani Angelika.

Nagda-dive sila?

“Oo, sa Anilao, lagi. Nagtatayo kasi sila [family] ng resort sa Batangas.”

Desidido na si Angelika na ang current boyfriend niya ngayon ang lalaking pakakasalan niya if ever magdesisyon na siya to settle down.

“Sana kung ibibigay ba ni Lord. Siyempre, di ba? Hindi mo naman kasi masasabi ‘yon. Pero kung ako ang tatanungin kung gusto ko, sana,” pag-amin niya.

May plano na ba silang pakasal?

“Wala pa naman po. Gusto ko munang mag-work. Na miss ko, e. Na-miss ko na mangarag. Parang yung feeling ko ngayon. Nami-miss ko yung ganitong feeling. Yung parang lutang ka sa pagod, ganun,” tapos ni Angelika.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: