Toni Gonzaga does not want to end up with Sam Milby in “Maging Sino Ka Man”

Toni Gonzaga does not want to end up with Sam Milby in

“Wagas kasi ang pagmamahalan nila [ni Celine]. Talagang wagas na pagmamahalan ‘yon para kay JB. Kaya hindi siya mag-e-end up kahit kanino. Single pa rin siya,” states Toni Gonzaga about the love affair of Sam Milby’s (inset) character with Anne Curtis’s in Maging Sino Ka Man.

Naniniwala si Toni Gonzaga na hindi nila fans ni Sam Milby ang tumututol na magkatuluyan sila sa ending ng teleserye ng ABS-CBN na Maging Sino Ka Man (MSKM) Book 2 bukas, March 28. Pero kung si Toni raw ang masusunod, ayaw niya sa kanya bilang Onay mapunta si Sam as JB na sobrang identified na sa ka-love team nito sa show na si Anne Curtis.

“Kasi hindi ko naman talaga siya story from the start, and I was chosen to be a part of that soap for the one reason siguro… I could say now, na it’s because they’re gonna kill the character of Celine [Anne]. That’s the only reason why I was part of that soap, for Sam’s character to have someone na parang he can depend on. He can have a friend, crying shoulder,” bungad ni Toni sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa repeat ng kanyang first major solo concert na Catch Me sa Aliw Theater on May 2.

Kung ayaw niya na sila ang magkatuluyan ni Sam sa ending ng MSKM, sino sa tingin niya mapupunta ang character ng actor-singer?

“Wala,” diretsong sagot ni Toni. “Wagas kasi ang pagmamahalan nila [ni Celine]. Talagang wagas na pagmamahalan ‘yon para kay JB. Kaya hindi siya mag-e-end up kahit kanino. Single pa rin siya.”

May balita rin na sobrang nainip ang mga fans ni Toni sa tagal ng death scene ni Anne sa MSKM. Dapat daw kasi sa early part pa lang ng Book 2 ng MSKM ay pinatay na ang character ni Anne kaya si Toni ang papalit sa kanya sa programa.

“Actually, ano, e, marami nang stories sa MSKM. Maraming story ‘yan behind that. Hindi ko alam kung puwede akong mag-comment regarding that. Basta ginawa ko na lang yung trabaho ko sa soap and let just leave it as it is. With regards to the character’s death and extension and whatever, bahala na lang sila. Tanggapin na lang natin.

“Si Onay kasi, like nung start ng soap, she’s just very hopeful,” saad ni Toni. “Kaya yung tagline niya is ‘hope’ because she’s just giving hope to everyone’s character. Like yung kapatid niya si Eli [John Lloyd Cruz], tinulungan niya kahit papaano, naging crying shoulder siya nung naghiwalay sila ni Jackie [Bea Alonzo]. Si Celine, binigyan niya ng pag-asa na mabuhay, nag-alaga siya. Si Sam, habang nagmo-mourn siya, siya naman yung nagbibigay din ng encouragement, ng pag-asa na life will go on.

“So very positive yung character ni Onay towards the end. Hanggang ending ganun siya. She will remain to be faithful to her words, to the people na minahal niya,” pagtatapos ni Toni.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: