Toni Gonzaga dismisses notion she had nose and boobs altered

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang multimedia artist na si Toni Gonzaga tungkol sa usap-usapan na pagkakaiba ng ilong niya ngayon. Tuloy, naiisip ng marami na nagparetoke siya ng ilong. Nakausap namin siya sa presscon para sa repeat ng kanyang Catch Me concert na gaganapin sa Aliw Theater sa May 2.

“Ah, yun yung opening [ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus],” sabi ni Toni. “Alam mo, talagang nag-debate talaga kami noon. Kasi bago nga yung make-up artist ko. Sabi ko talaga nung pinanood ko yung opening, yung nose line ko, pero hindi naman. Talagang uma-OA lang kami sa noseline.

“Kasi naalala ko noon, hindi na ako tumitingin sa mirror dahil sobrang naka-focus ako sa pagbabasa ng script. Naalala ko lang ganun siya nang ganun [bina-brush] sa ilong ko, nakaganyan lang ako [nakayuko]. Yun pala, ang kapal na ng nose line ko.

“Hindi ako nagparetoke ng ilong. Kung nagparetoke ako, matigas ito. Pero hindi naman siya matigas,” tanggi ni Toni.

THE FUTURE OF BRACES. Kapansin-pansin din ang sobrang pagpayat ni Toni ngayon.

“The reason kaya pumayat din ako kasi may nakasuot sa ngipin ko ngayon,” pagtatama niya. “Eto yung future of braces. No, it’s not retainers or braces. It’s called invisaline. Para siyang pustiso pero transparent na isusuot mo sa ngipin mo, na instead na mag-braces ka na hindi magandang tingnan sa TV, mag-i-invisaline.

“Ano na siya, kaya medyo pumayat ako dahil nahirapan din ako. Dahil nung unang kabit, talagang masakit. ‘Tsaka kasi buong ngipin siya. Unlike yung braces sa harap lang. ‘Eto talaga buong ngipin siya. ‘Eto siya,” sabay hubad ng suot niyang invisaline at ipinakita sa amin.

Magkano naman ang halaga ng invisaline?

“Balita ko medyo may kamahalan siya,” sagot ni Toni. “Pero ‘eto raw kasi yung uso sa Hollywood. Kasi yung dentist ko galing ng States. Pumunta siya rito dahil gusto niya dito na mag-practice ng kanyang profession. So, dinala niya yung mga high-tech na mga bagong panlagay sa ngipin. ‘Tapos ‘eto ang ni-recommend niya since artista ako. Dahil sina Tom Cruise daw nag-i-invisaline! So, sabi ko, ‘Teka muna. Ilagay na ‘yan. Go!” nakakatawa niyang lahad.

Bakit siya nagpa-invisaline?

“Naka-extend yung back teeth, so ipapasok mo siya kesa ipa-transplant. Nung pumayat ako, naalala ko nung unang punta ko sa PBB, sabi ni Mariel talaga, ‘Ay, nag-braces ka na?’ Sabi ko, hindi. ‘Ah, kasi parang naka-ganun [nakausli] yung bibig mo?’ ‘Ah, kasi pumayat ako.’ So, parang um-extend na yung ngipin ko. Kaya it’s about time na iusog ko ang ngipin ko.

“Yung baba ko naman, gulo-gulo. ‘Tsaka para naman sa Colgate. In fairness sa kanila, talagang pinagbuti ko naman yung ngipin ko. In-align ko talaga para naman hindi mapahiya,” banggit niya.

BOOB JOB? Bukod sa ilong, may tsismis din na nagpadagdag siya ng boobs. Totoo ba ito?

“Ano ba kayo? Lahat ‘yan padding lang ‘yan. Ginawa ko na ‘yan ever since. Kahit nung mga dati-dati pang PBB. Ano lang ‘yan, silicon na pad,” natatawa niyang sagot.

Pero may plano ba siya na magpalaki ng boobs?

“Eventually, ‘pag kaya ko na,” nakangiting pagtatapos ni Toni.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: