Sikat na young actor, malaki ang tampo sa home studio

Masama ang loob ng isang sikat na young actor sa kanyang home studio dahil sa hindi pagkakasama sa kanya sa launching ng summer station id ng network.

Bale ba, umuwi ang young actor mula sa kanyang bakasyon sa ibang bansa para lang mag-shoot ng nasabing station ID.

Napaaga ng dalawang araw ang kanyang uwi para lang makahabol sa shooting.

Pero, laking gulat ng young actor nang i-launch ang station ID at makitang wala ang kanyang participation doon na hindi niya malaman kung sinadya or what.

Sa mga sumunod na airing naman daw ng station ID, tadtad na ng eksena ang young actor, pero siyempre, ikinasasama pa rin ng loob niya ang katotohanang hindi siya kasama noong una itong i-ere.

Ang nasabing young actor ay major star ng network kaya nakapagtataka ngang hindi naisama ang participation niya sa first airing ng station ID.

Sa sama ng loob ng young actor, balitang kinausap nito ang isang veteran TV host from the same station para sabihin ang kanyang hinaing.

Hindi lang kasi ito ang unang insidente na pinakitaan siya ng network ng kawalan ng importansiya.

Magtatapos na sa May ang kontrata ng young actor sa network at balitang ayaw na niyang mag-renew pa sa sobrang sama ng loob at sinabi na rin niya ito sa veteran TV host na kinausap.

Nagpahayag na rin daw ang batang aktor na pagkatapos ng serye niya ngayon ay magpapahinga muna siya sa TV at sa movies na lang daw magku-concentrate.

Right now, balitang nagkakaroon ng pag-uusap sa pagitan ng management at sa kampo ng young actor, pero kung ang pagbabasehan ay ang nararamdaman ngayon ng batang aktor, it looks like hindi na siya interesado pang mag-renew ng kontrata.

Bukod dito, binabalak din daw ng young actor na huwag na munang sumipot sa variety show kung saan siya kabilang dahil sa sama ng loob.

Hindi biro ang tampo ng young actor kaya kailangang ayusin ito ng network. Kung hindi, malaki ang posibilidad na lumipat na lang ito at sundan ang kanyang crush sa kabilang network.

Could the network afford to lose its “king” this time after losing the “queen”?

VINIA VIVAR
Journal Online

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: