Riza Santos did not steal Marian Rivera’s role in Dolphy-Vic movie

Riza Santos did not steal Marian Rivera's role in Dolphy-Vic movie

Ex-beauty queen Riza Santos (main photo) has replaced Marian Rivera to play the female lead in the first movie together of Dolphy and Vic Sotto (insets).

Hindi pa sigurado kung Dobol Trobol (Wala ‘Yan Sa Pare Ko) na ang final title ng unang pelikula na pagsasamahan ng comedy superstars na sina Dolphy at Vic Sotto. Pero sa title na ito sinimulan ang shooting ng pelikula ng King and Prince of Comedy Movies.

Gaya ng naisulat dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), si Riza Santos na ang makakapareha ni Vic at gaganap na anak ni Dolphy sa pelikula pagkatapos mag-backout ni Marian Rivera. Sa Sunday, March 30, na ang first shooting day ng ex-housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition.

Bonnie ang magiging pangalan ni Riza sa Dobol Trobol, na bale pangalawang pelikula na niya. Ang unang pelikula na ginawa niya ay ang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy nina Robin Padilla at Ai-Ai delas Alas ng Viva Films, na hindi pa rin naipalalabas.

Hindi pa malinaw kung bakit si Riza ang ipinalit kay Marian. Pero dahil kasama rin ang dalaga sa cast ng Utoy, ang bagong show ni Dolphy sa ABS-CBN na ipapalit diumano sa Kung Fu Kids. Maaaring sa taping ng TV show siya nakita ng Comedy King si Riza at nairekomenda niya ito para gumanap na anak niya sa Dobol Trobol.

Overwhelmed si Riza sa pagkakapili sa kanya bilang kapalit ni Marian sa role ni Bonnie. Ninenerbiyos din siya dahil sabay niyang makakasama sina Vic at Dolphy at love interest pa niya ang una. Kumbaga, hitting two birds with one stone ito.

May pakiusap lang si Riza sa fans ni Marian. Sana raw ay huwag siyang awayin at huwag magalit sa kanya ang mga ito dahil wala naman siyang sinulot na project dito.

Last week pa pala nasara ang negosasyon between Viva Artist Agency and the producers of Dobol Trobol. Hindi lang agad nag-ingay ang kampo ni Riza hangga’t hindi pa opisyal na lumabas na wala na sa cast si Marian.

Bukod sa Utoy, mainstay rin si Riza sa Banana Split, ang bagong gag show ng ABS-CBN na malapit na ring umere. Posibleng bigyan pa siya ng ibang show ng Kapamilya network at ang husay naman niyang kumanta at mag-host ang kanyang gamitin.

Si Riza rin ang kinuhang image model/endorser ng Mint, isang clothing line na may boutique sa iba’t ibang malls. Bukas, March 29, may pictorial ang dating beauty queen para sa billboard niya for Mint. Kaya sa mga darating na araw ay makikipagkumpitensiya na rin ng atensiyon sa ibang celebrities ang kanyang billboard sa kahabaan ng EDSA.

May isa pang endorsement si Riza na inaayos ng kanyang management company at tungkol naman ito sa pagpapaganda.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: