Gabby Concepcion still in communication with GMA Films

Gabby Concepcion still in communication with GMA Films

“He signed a contract with us and we would like to think that he is a very honorable man to respect and fulfill his contract with us,” says Ms. Annette Gozon-Abrogar about Gabby Concepcion (in photo).

Dahil patuloy na umiikot ang mga balita tungkol sa mga proyektong gagawin ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion, finally ay nagsalita na ang pamunuan ng GMA Films tungkol sa isyu. Ito ay pagkatapos mag-backoout ni Gabby sa magsisilbi sanang comeback film niya.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Annette Gozon-Abrogar, president ng GMA Films, kagabi, March 26, sa mismong opisina ng film company sa 7th floor ng GMA Network Center. Sinabi ni Ms. Annette na nakapirma sa kanila ng kontrata ang dating aktor, na sumikat noong ’80s hanggang early ’90s bago siya nanirahan sa Amerika pagkatapos ng Manila filmfest scam noong 1994.

“He signed a contract with us and we would like to think that he is a very honorable man to respect and fulfill his contract with us,” pahayag ni Ms. Annette.

Nilinaw rin ng GMA Films president na mas nauna sa kanilang nakipag-negotiate si Gabby bago pa man ang napabalitang kinuha ng aktor ang serbisyo ni Mrs. Rose Flaminiano ng FLT Films. Si Mommy Rose ang sinasabing bagong agent o tagapamahala ni Gabby sa kanyang mga transaksyon sa bansa.

“Open ang communication line namin ni Gabby,” paglilinaw ni Ms. Annette. “We talk and text each other at nagbibigay siya sa amin ng update sa kanyang mga plans in the future.”

Nilinaw ng GMA Films boss na hindi totoo ang mga naglabasang balita na si Jolina ang rason kung bakit ayaw gawin ni Gabby ang proyekto. Ayon kay Ms. Annette, gustung-gusto ni Gabby si Jolina at excited itong magkasama sila.

Hindi rin daw totoo ang balitang nagalit ang ama nitong si Mr. Rolly Concepcion dahil sa hindi nila nagustuhan ang pagkaka-remake ng isang Gabby movie with Sharon Cuneta na ginawang teleserye ng GMA-7.

Ayon pa kay Ms. Annette, ang kontratang pinirmahan ni Gabby sa kanila ay sumasakop ng mga gawain sa pagsisimula ng produksiyon hanggang tatlong buwan matapos na mai-release at ma-exhibit ang nasabing proyekto.

Ngumiti lang si Ms. Annette nang itanong ng PEP kung nakapagbigay na ang GMA Films ng downpayment sa aktor para sa comeback film niya sana.

Supposedly, ang pelikulang I.T.A.L.Y. ang unang proyektong gagawin ni Gabby sa GMA Films. Hindi kailangang umuwi ng bansa ang dating matinee idol para mag-shooting dahil sa Italy at ibang parte ng Europe kukunan ang kabuuan ng pelikula.

Dahil sa pagba-backout ni Gabby, pinalitan siya ni Dennis Trillo. Kasama rin sa pelikula sina Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo, Mark Herras, at Rhian Ramos.

AMBET NABUS
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: