Schedule, not talent fee was Marian Rivera’s reason for backing out from Dolphy-Vic movie

Schedule, not talent fee was Marian Rivera's reason for backing out from Dolphy-Vic movie

“Unfair at pangit kay Yan [palayaw ni Marian] ang akusasyon dahil tinanggap namin ang project nang hindi pinag-usapan ang talent fee. Tinanggap namin ‘yon dahil sa pagmamahal at utang na loob namin kina Mr. Tuviera at Vic,” says Marian Rivera’s manager about the young actress’ decision to back out from the Dolphy-Vic Sotto movie.

Nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkalungkot ng young actress na si Marian Rivera sa lumabas na report na talent fee ang rason kung bakit hindi na siya ang leading lady ni Vic Sotto sa pelikula ng comedian with Comedy King Dolphy. Ang pangit nga naman kung dahil sa pera ay kalilimutan ni Marian ang utang na loob niya kina Vic at Mr. Tony Tuviera ng TAPE, Inc. na naging producers ng young actress noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang showbiz career.

Ang Enteng Kabisote 2 ng M-Zet Films ni Vic ang first movie ni Marian. Kahit special role lang siya roon, ipinagpapasalamat pa rin niya ito nang lubos.

Ang TAPE, Inc. naman ang nagbigay sa young actress ng break niya sa TV, nang ipareha siya kay Oyo Sotto sa afternoon soap na Kung Mamahalin Mo Lang Ako.

“Unfair at pangit kay Yan [palayaw ni Marian] ang akusasyon dahil tinanggap namin ang project nang hindi pinag-usapan ang talent fee. Tinanggap namin ‘yon dahil sa pagmamahal at utang na loob namin kina Mr. Tuviera at Vic,” pahayag ng manager ng young actress na si Popoy Caritativo.

Dagdag ni Popoy, kaya ni Marian ang eight-days shooting ng Dolphy-Vic movie kung natuloy na pagkatapos ng Marimar siya magsu-shoot. Pero nabago nang nabago ang shooting schedule dahil umalis sina Vic at Dolphy papuntang U.S. para sa Visionay Awards at nag-Holy Week pa. Kung kailan libre nang mag-shooting sina Vic at Dolphy, si Marian naman ang hindi pumuwede dahil sa Dyesebel.

After ng pictorial ng Dyesebel sa March 31, aalis na ang grupo for Palawan para nasa location na sila lahat sa April 2, na siyang first taping day schedule ng follow-up project ni Marian after Marimar. One week straight sila roon at baka ma-extend pa kung gugustuhin ni Direk Joyce Bernal na mas mapaganda pa ang pilot week ng naturang fantaserye.

Tuwang-tuwa raw si Direk Joyce at staff ng Dyesebel sa dedication na ipinapakita ni Marian sa bago niyang serye. Dalawang beses pa lang nagsu-swimming lesson ang young actress gamit ang costume niyang buntot, pero kumportable na siya agad at mala-sirena na kung lumangoy. Sa swimming lesson ni Marian sa Beyond Bounce sa Pansol, Laguna, nagsuot na siya ng buntot at inulit sa training niya ito sa isang swimming pool sa Quezon City.

Samantala, hindi pa man umeere ang Dyesebel, inuulan na naman ng offers ng product endorsements si Marian. May bago siyang tinanggap na TV commercial na isu-shoot bago siya pumunta sa Palawan. Bawal pang sabihin kung ano ito at ang clue lang na maibibigay ng PEP ay isa itong health drink.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: