Mr. Pogi Edgar Allan Guzman reveals one-month relationship with Iwa Moto

Inamin ni Mr. Pogi winner Edgar Allan Guzman sa launch ng workout VCD na Body Buddies: The Body Circuit Workout na naging girlfriend pala niya for one month si Iwa Moto.

Nagsimula ang one month relationship nila ni Iwa after magkakilala sa “Glamorous Life” special ng Showbiz Central last year.

“Crush na crush ko kasi si Iwa that time kaya noong makilala ko siya, hindi na ako nahiya at hiningi ko agad ang number niya. Type ko kasi ang mga mapuputi at chinita ‘tapos sexy pa si Iwa. Niligawan ko siya at naging kami for one month lang,” kuwento ng nanalo sa pakontes na paguwapuhan ng Eat Bulaga!.

Hindi raw nagtagal ang relasyon nila ni Iwa dahil nagkaroon sila ng mga personal na problema. Sey nga ni Edgar na siya ang may problema kaya hindi naging maayos ang takbo ng relasyon nila.

“Walang problema with Iwa. Mabait siya and she’s very understanding. Ako yung may problema talaga. It’s just that, may mga bagay na ayokong madamay si Iwa. Alam naman ni Iwa ‘yon and we decided na mag-part ways na lang. Pero kahit na naghiwalay kami, we parted as good friends.”

Sa ngayon ay loveless pa rin si Edgar dahil concentrated ito sa kanyang career ngayon bilang miyembro ng The Studs. Natutuwa nga siya kay Iwa dahil masaya ito sa piling ng kanyang boyfriend na nagngangalang Mickey Ablan.

“Last time na nakita ko si Iwa, blooming siya. Obvious na she’s in love. Kaya happy ako for her kasi may inspirasyon na siya. Ako, wala pa talaga kasi mahirap na makahanap ng kapalit niya,” sabay ngiti ni Edgar.

Ngayong buwan ng April nga ay mag-e-expire na raw ang kontrata niya sa T.A.P.E. Inc. Baka raw maghanap na siya ng bagong manager na magha-handle sa kanya ng full-time.

Kasama nga rin pala si Edgar sa bagong season ng Daisy Siete entitled Prince Charming and the 7 Maids na sa March 31 na magsisimula sa GMA-7.

RUEL J. MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: