Lovi Poe looks up to Sunshine Dizon as her role model

Lovi Poe looks up to Sunshine Dizon as her role model

“I remember si Ate Shine, parang siya yung mentor ko, sinabi niya sa akin, ‘You should explore, you shouldn’t stick to one. If you wanna grow as an actress, explore, try different things,’ and that’s what I’m doing,” says Lovi Poe about Sunshine Dizon, whom she considers as her role model.

Very close sila, pero ayon nga kay Lovi Poe nang huling makakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal), wala pa silang seryosohan at pormal na relasyon ni Jolo Revilla.

“No, we’re not together,” pahayag ni Lovi.

Hindi rin niya masasabi kung kagaya sila ng ilan sa mga showbiz couple ngayon, na may mutual understanding or M.U. lang, pero hindi pa mag-on.

“I cannot really say na M.U., but we hang out a lot and yun, we’re happy with each other’s company.”

Lagi namang sinasabi ni Jolo na willing siyang maghintay. Hanggang kailan nga ba paghihintayin ni Lovi ang binata bago nito ipagkaloob dito ang kanyang matamis na “Oo”?

“Actually, malalaman naman natin kung aabot talaga tayo dun,” medyo bitin na sagot ni Lovi sa tanong ng PEP.

Meron bang nakakapigil kay Lovi para sagutin si Jolo?

“Kasi ako naman yung type of person na hindi ako padalus-dalos, I’m not impulsive naman,” sagot na lang ng dalaga.

May mga nasusulat na sila na raw talaga ni Jolo, base sa nakikita sa kanilang mga galaw at pagke-care nila sa isa’t isa.

“No, yun yung mga times na inaalalayan niya ako or yung mga, ‘Are you okay?’ Yung mga ganun,” tanggi pa uli ni Lovi.

Sa tingin naman ni Lovi, serious sa kanya si Jolo.

“So far, I like what I see, and kung tuluy-tuloy, eh di good. Ha-ha-ha!”at napahalakhak na lang nang tuluyan ang dalaga.

Aminado si Lovi, pressured siya sa kinabibilangan niyang show na Kaputol ng Isang Awit kung saan kasama niya sina Jolo, Marky Cielo, and Glaiza de Castro.

“Actually, every show, may pressure na agad na napi-feel, but then sa set enjoy kaming lahat, sobrang family. First day pa lang, ang saya na naming lahat, so nakakawala ng pressure. It’s more of like…parang laru-laro lang,” kuwento ni Lovi tungkol sa atmosphere nila sa set ng Kaputol ng Isang Awit.

“SI ATE SHINE.” Si Sunshine Dizon pala ang role model ni Lovi bilang isang mahusay na artista, kaya kahit medyo off-beat role bilang bida-kontabida ay tinanggap ni Lovi sa Kaputol.

“Actually hindi po talaga siya kontrabida, iba yung magiging twist niya in the middle po,” pahayag ni Lovi about her role in Kaputol.

“And pumayag ako for the role kasi I remember si Ate Shine, parang siya yung mentor ko, sinabi niya sa akin, ‘You should explore, you shouldn’t stick to one. If you wanna grow as an actress, explore, try different things,’ and that’s what I’m doing.

“Kasi sobrang humahanga ako kay Ate Shine. Tingnan mo siya, Best Actress, kaya I wanna be taken seriously, I don’t wanna do the same old thing na lagi kong ginagawa noon.”

ROMMEL GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: