Hindi type sina Cesar at Sam

Napakaganda nga naman pala ng Brazilian model na na-link kay Cesar Montano, at sinasabing naging dahilan ng hiwalayan nila ni Sunshine Cruz, at ni Sam Milby.

Siya si Mariana del Rio, 17 years old at dinala ng kanyang pagiging modelo dito sa bansa. Nasa Bohol siya kasama ang ibang mga modelo dahil gusto nilang makakita ng mga tarsiers nang makita siya ni Cesar sa tinutuluyan nilang hotel. Inalok siya nitong lumabas sa isang indie film.

“I was in Brazil when a friend informed me of the issue. I was shocked because the story wasn’t true. Except for that one meeting, we never saw each other again.

“I’ve never had a boyfriend but if ever, I want young men, much younger than him. He’s (Cesar) not my type. Ayaw ko ng mestiso,” she says in her broken Tagalog pero, ipagkakapuri mo na rin dahil mas matatas siya sa maraming bagong salta dito na mas matagal nang nasa bansa pero, bulol pa rin sa Tagalog.

Mariana added na bumalik siya para linisin ang kanyang pangalan. At bagaman at nalulungkot siya sa kinasapitan ng relasyon nina Cesar at Sunshine, nalungkot din siya dahil nagamit siya at isinama pa ang kanyang larawan sa mga balita.

Itinanggi rin niya na nagkaro’n sila ng relasyon ni Sam tulad nang napabalita. Inulit niya na ayaw niya ng mestiso at hindi niya type ang ex-PBB housemate.

“I just watched his concert once, yun lang, tapos na-twist na yung story,” aniya.

Sa kabila ng mga kontrobersiya at mga tsismis, na in-love na si Mariana sa bansa. Gusto niyang manatili at magkaroon din ng career dito.

Bilang pag-welcome sa kanya, isinama siya ng Star Magic sa isang production number sa ASAP where she showed her talent in dancing. Ngayon ikinakabit naman nila ang pangalan niya kay Rayver Cruz na nakasama niya sa naturang number. Mapapanood din siya soon sa Komiks.

VERONICA SAMIO
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: