Glaiza de Castro being courted by a Kapamilya young actor

Glaiza de Castro being courted by a Kapamilya young actor

“Tingin ko naman po mabait naman siya, kasi may mga common friends naman kami. Siguro talagang hindi lang ako sanay or naiilang lang ako kapag kaming dalawa lang kung sakali yung lalabas,” says Glaiza de Castro about the young actor courting her.

Bago pa man ang Valentine’s day, nabanggit na ni Glaiza de Castro sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na may isang showbiz guy na consistent na nagte-text at tumatawag sa kanya. In fact, last February 14 ay inimbitahan siya nitong maging Valentine’s date sana. Pero dahil biglaan daw siyang nagkaroon ng work kaya hindi niya napagbigyan yung guy.

Nakangiti na si Glaiza nang makita namin siya sa birthday party ng entertainment writer na si Dinno Erece sa UCC Vienna Café sa Tomas Morato, Quezon City, noong Martes ng gabi, March 25. Alam na raw kasi niya kung ano ang itatanong namin sa kanya at kukuliting malaman.

Ayon kay Glaiza, hindi naman daw niya puwedeng sabihin na nanliligaw nga sa kanya ang naturang guy, isang young actor. Aniya, malabo pa raw sa kanya kung ano ang intensiyon nito. Pero hindi naman itinanggi ni Glaiza na consistent ang pagte-text at pagtawag nito.

Twenty years old na si Glaiza, pero sinabi niyang never pa siyang nagkakaroon ng boyfriend o anumang romantic relationship. Hindi pa rin daw siya nakaka-experience na makipag-date.

Katuwiran ni Glaiza, hindi raw kasi siya katulad ng ibang girls of her age na kapag nasa isang lugar, isa sa hinahanap ay mga cute guys. Hangga’t maaari rin daw, gusto niyang kung sinuman ang magiging first boyfriend niya ay yun na rin ang magiging last.

Ang isa sa mga young actors na hinulaan ng PEP na posibleng manliligaw o nagpaparamdam kay Glaiza ay ang ka-love team niya sa Kaputol ng Isang Awit na si Marky Cielo. Pero itinanggi ito ni Glaiza, bagama’t sinabi niyang isa si Marky sa mga closest guys sa kanya ngayon. Mas nag-improve na raw ang closeness nila simula nang una silang magkasama.

CLUE ABOUT THE GUY. Later on, napilit ng PEP si Glaiza na magbigay ng ilang clues tungkol sa kanyang persistent suitor. Aniya, taga-Kapamilya network daw ang naturang guy. Produkto raw ito ng Star Circle Quest.

Matagal bago namin napilit si Glaiza na magbigay ng kahit initial na pangalan ng young actor. Kalaunan, sinabi ng young actress na ang initial nito ay J.G. Nang mahulaan ng PEP kung sino ang J.G. na tinutukoy niya, hiyang-hiya ito at sabay pakiusap na huwag na lang daw namin pangalanan.

Up to now, hindi pa rin daw napagbibigyan ni Glaiza si J.G. sa mga imbitasyon nitong lumabas silang dalawa. Aniya, “Hindi ko po alam. Tingin ko naman po mabait naman siya, kasi may mga common friends naman kami. Siguro talagang hindi lang ako sanay or naiilang lang ako kapag kaming dalawa lang kung sakali yung lalabas. Saka parang nakakailang kung formal dinner, ‘tapos ano’ng pag-uusapan namin?” ang natatawa at tila hiyang-hiya nga niyang pahayag.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: