Dingdong Dantes explains why he did not greet Karylle on “SOP”

Dingdong Dantes explains why he did not greet Karylle on

Kung may nasaktan man, I apologize. It’s a program call, but I wish I could have done more. In my own way, may ginawa ako,” explains Dingdong Dantes why he wasn’t able to greet girlfriend Karylle (inset) happy birthday on SOP.

Sporting a shorter hair para sa role niya bilang Fredo sa Dyesebel, pumirma ng three-picture deal for three years sa GMA Films ang young actor na si Dingdong Dantes. Ginanap ang contract signing sa office ng film company sa 7th floor ng GMA Network Center kagabi, March 26.

Gusto agad ng GMA Films president na si Ms. Annette Gozon-Abrogar na simulan ang shooting ng first of the three movies na gagawin ni Dingdong sa kanila. May tentative title na Amnesia ang first movie ni Dingdong as a contract artist. Isa itong dramatic love story to be directed by Mac Alejandre at kung saan makakasama ng young actor sina Marian Rivera at Iza Calzado.

May August playdate na ang movie hindi pa man nasisimulan ang shooting. Pero nabasa na ni Dingdong ang script.

Right timing kay Dingdong ang pagpirma ng kontrata sa GMA Films dahil bukod sa telebisyon, magko-concentrate siya this year sa pelikula. There’s also no doubt na pipirma siya ng exclusive contract sa film company ng GMA-7 dahil Kapuso siya through and through.

KARYLLE’S BIRTHDAY. Maganda ang Q&A after the contract signing at lahat ng tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay sinagot ni Dingdong. Kabilang dito ang isyung hindi niya pagbati ng happy birthday sa girlfriend niyang si Karylle sa SOP last March 23. Karylle’s actual birthday was on March 22.

“Always, alam ko kung paano ihiwalay ang personal na gawain sa trabaho ko. I made it a point naman na bumawi kung anuman ang kakulangan ko. Kung may nasaktan man, I apologize. It’s a program call, but I wish I could have done more. In my own way, may ginawa ako. We celebrated her birthday privately with people close to her at sincere ako nang gawin ko ‘yon,” paliwanag niya.

Hindi ba naapektuhan ang relasyon nila ni Karylle sa love team nila ni Marian Rivera?

“Hindi naapektuhan, pero nabawasan ang panahon naming magkasama,” sagot ni Dingdong. “Pero namuhunan kami nang tama sa magagandang bagay. Up to now, ginagamit pa namin ‘yon. We assure each other, everything is okay.”

Ikinuwento na rin ni Dingdong na nag-organize siya ng party for Karylle sa isang yacth sa may Manila Bay. Present ang mga kaibigan at pamilya ng singer-actress kabilang na ang ina nitong si Zsa Zsa Padilla at ang amang si Dr. Modesto Tatlonghari. Hindi ma-imagine ng young actor na magagawa niya ‘yon kaya tuwang-tuwa siya nang maging successful ito.

Habang nasa GMA Netwok pa kami, nag-text si Dingdong sa PEP na ganito ang buod “Please make clear these statements sa PEP. Txt ko uli. Salamat.”

Past 1 a.m. kanina, March 27, nag-text nga sa PEP si Dingdong at heto ang kanyang sinabi: “Re-K’s birthday. I want to apologize to the ones affected by me not greeting her. It is never my intention to hurt them, specially K. In my own way, which I find more special, I made a meaningful birthday celeb with her close friends, family, loved ones. To me, that is more important than mere TV greetings. Nevertheless, I still wish I could have done more during that Sunday. But at the end of the day, what matters most is that K and I are okay.”

Third anniversary nina Dingdong at Karylle sa April 3. Hopefully, hindi na kalimutang batiin ni Dingdong ang kasintahan sa SOP either sa March 30 o sa April 6.

MARIAN’S BOYFRIEND. Pinag-comment na rin ng PEP si Dingdong sa paglabas ng diumano’y boyfriend ni Marian na si Ervic Vijandre na kamukha pa raw niya. Hindi ba ito makakaapekto sa love team nila?

“Well, I believe Marian deserves to enjoy regardless kung sino ang kanyang kasama. No comment ako sa sinasabi ninyong kamukha ko ang BF niya. Hindi ko pa siya nakikita at di namin napag-uusapan ni Marian ang boyfriend niya,” sagot ni Dingdong.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: