Chit Ramos wants STRAM to manage Maja Salvador totally

Chit Ramos wants STRAM to manage Maja Salvador totally

Chit Ramos with Maja Salvador during happier times. Tita Chit have asked Malou Santos of STRAM (Star Records Artists Management) to totally take over in managing Maja who recently took the effort to patch things up with her.

“Sabi nga ng mga taga-ABS [CBN], dapat din daw ang mga artista magkaroon ng workshop…on how to handle success,” pasaring na banggit ni Tita Chit sa kalagitnaan ng kanyang pakikipanayam sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

“Tita Chit” ang palambing na tawag ng karamihan sa local showbiz kay Chit Ramos, kapatid ng batikang showbiz columnist at celebrity manager na si Manay Ethel Ramos at manager ng young star na si Maja Salvador.

Natiyempuhan ng PEP si Tita Chit nang matapos na ang presscon ng pelikulang Manay Po 2: Overload, sa Imperial Palace, Quezon City. Although naroon siya bilang imbitadong miyembro ng showbiz press na iinterbyu sa cast ng pelikula, kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon na siya naman ang mainterbyu hinggil sa pagkakagalit at pagbabati na naganap sa pagitan nilang dalawa ng alagang si Maja Salvador.

THE RIFT. Ilang buwan na ang nakalipas nang pumutok ang balitang may hindi pagkakaunawaan sina Tita Chit at si Maja.

“Last year, it started as blind items. ‘Tapos nung sinabi kong I want to drop her, it became ‘free-for-all,’” pahayag ni Tita Chit.

By “free-for-all,” Tita Chit means malaya nang ibinato kay Maja ng karamihan sa showbiz press ang iba’t ibang akusasyon na hango sa mga nagsikalat na blind items. Nang tanungin ng PEP ang tungkol sa tunay na dahilan ng pagkakagalit nila ni Maja, nakiusap na lang si Tita Chit na huwag nang magsalita about it. Para nga naman sa nanumbalik na nilang working relationship.

Kinumpirma na lang ni Tita Chit sa PEP na three months nga silang hindi nag-usap nang harapan ni Maja. Kung mag-text man ito ay ipino-forward daw ni Tita Chit ang mga mensahe sa nakatatandang kapatid niya na si Manay Ethel na siyang tumatayong adviser din niya sa pagha-handle ng talents.

From Manay Ethel, nakuha ni Tita Chit ang go signal to let go of Maja. But still, nakatali daw sila (Tita Chit and Maja) sa kontratang magtatapos pa sa 2009. Kaya kahit na hindi sila nagkakausap, ginagawa pa rin ni Tita Chit ang functions niya as Maja’s manager, tulad ng paghahanap ng raket at pagko-close ng deals.

A SEARCHING DAUGHTER. Masama ang loob ni Tita Chit sa nangyari sa kanila ni Maja. Parang nabalewala kasi ang samahan nilang tumakbo ng halos apat na taon. Samahang nagsimula sa bukas-loob na pagtulong lang niya sa dalaginding na noo’y naghahanap sa amang may sakit.

“She’s been looking for his dad for seven years,” kuwento ni Tita Chit. “Nabalitaan kasi nila na may sakit ito at laging isinusugod sa ospital ni Phillip Salvador.”

Maja’s father, it turned out, is 1960s matinee idol Ross Rival, or Rosauro Salvador in real life, isa sa mga kapatid ni Phillip. Isa naman sa mga nakarelasyon ni Ross ang ina ni Maja na si Thelma Andres.

“Si Thelma, siya yung kasama ni Maja nung pinuntahan na nila ako. Kasamahan kasi ni Maja sa modeling [company] noon ang anak ko, si Farrah. Kaya nung malaman niya na kilala ko ang mga Salvador, nagpasama sila kay Farrah.”

Close daw kasi si Tita Chit sa mga Salvador na artista ng pinagtatrabahuhan niya noon bilang PR na Moviestars Productions.

“Hindi makapaniwala si Maja na makakausap na niya si Phillip Salvador. Inabot ko sa kanya yung cellphone ko, ‘tapos sabi ko, ‘Call your Tito Ipe.’ Tinapon niya yung cellphone ko. Hindi siya makapaniwala, ” pagpa-flashback ni Tita Chit.

Ang mga sumunod na eksena raw ay ang pagmi-meet nina Phillip at ni Maja na ini-record naman ni Tita Chit sa kanyang video camera. Soon, lumabas na rin si Maja at ang reunion ng kanyang ama sa The Buzz. Nagustuhan daw kasi ni Boy Abunda ang istorya ni Maja na isang batang naghahanap ng kanyang ama, hindi para humingi ng tulong kundi para tulungan ito.

“Yung reunion [of Maja and dad], talagang dramatic, may iyakan…nandun lahat ng ingredients of a teleserye at ng isang sisikat na bata,” patuloy ni Tita Chit.

At sumikat nga si Maja. After ng The Buzz exposure niya, ipinatawag sina Tita Chit at Maja ni then ABS-CBN Executive Vice President Charo Santos-Concio at sinabihan si Maja ng, “I’ll make you a star.” And a star, Maja became.

MANAGEMENT BASED ON TRUST. Simple lang ang naging arrangement nina Tita Chit at Maja pagdating sa management. No contract nga sana at lahat ay by trust lang. “Tamad talaga akong kumolekta. Kaya I even allowed my stars to collect, ‘tapos ibibigay na lang sa akin ang komisyon ko. Kaya nung umpisa ang mother ni Maja ang kumo-collect, ‘tapos ihahatid na lang sa bahay ang commission ko,” patunay pa nga ni Tita Chit.

Kinailangan na lang daw nilang pumirma ng kontrata nang tanggapin nila ang co-management contract with then Talent Center (now Star Magic). Two-years ang kontrata nila with Talent Center, habang silang dalawa naman ni Maja (with her mother signing also dahil minor pa noon si Maja) ay pumirma ng sarili nilang kontrata na magtatali sa kanila hanggang 2009.

“Kaya nga… ayoko na sanang banggitin ito at ewan ko kung talagang sinabi niya noon na wala naman daw siyang kontrata sa akin. Pero yung pag-imbita sa kanya ng lawyer ko sa office niya para bigyan siya ng copy nung contract na pinirmahan niya noon would remind her na meron nga siyang pinirmahan, with her mother pa nga. Tatlo kaming nakapirma roon.”

WORKAHOLIC. As a talent, sobrang sipag daw si Maja ayon kay Tita Chit. “May mga project na minsan ayoko na, pero sasabihin niya pa rin sa akin na kunin daw, dahil sayang at grasya daw yun.

“Sabi nga niya, ‘Tita, dalawang klase lang ang artista, yung may trabaho at yung wala. Huwag po tayong tatanggi kasi grasya na po ‘yan ng Diyos. Kaya nga minsan meron siyang mga project na ayoko na sana, pero dahil gusto niya at tinatanong ko naman siya kung kaya pa ng katawan niya, kinukuha pa rin namin. Gusto niya, e. So nirerespeto ko yun.”

Hindi rin daw kasing-naïve as she looks si Maja. Matalino raw ito’t alam kung ano ang kailangan niya.

“She knows her finances, she knows what I know. She looks young, pero she knows a lot. Matalino siya,” banggit pa ni Tita Chit.

Kaya nga tiwala raw si Tita Chit na kahit wala siya sa tabi ni Maja ay kaya nitong pangalagaan ang sarili.

Pero nito ngang 2007 hanggang 2008, naging maasim ang kanilang samahan na humantong sa ‘di nila pag-uusap at pag-aalitan.

TAKING IT SLOW. Nagsimula lang na bumaba ang tension sa pagitan nila nang si Maja na mismo ang gumawa ng step to patch up with Tita Chit.

“Sa libing ng mother ko, nagulat ako nang may yumakap mula sa likuran ko,” pag-alaala ni Tita Chit sa unang pagkikita nilang muli ni Maja.

“Siguro mas pinili ni Maja na dun sa libing na magpunta kasi mas konti ang press, mas konti ang camera at tao. At siguro kilala niya rin ako masyado na baka mag-resist ako kapag sa harapan siya dumaan para yakapin ako. Kaya niyakap niya na ako from behind.”

Hindi naman daw kagandahang asal ang mamahiya ang bisitang nakikiramay kaya wala namang nangyaring hindi maganda nung niyakap na si Tita Chit ni Maja bilang pakikiramay at pakikipagbati na rin sa kanya. Binigyan pa nga raw ni Tita Chit ng tatlong white roses si Maja para ibigay sa labi ng kanyang ina bago ito ilibing.

Nang makita ni Maja si Manay Ethel na malapit lang sa kanya ay niyakap niya rin ito na mas lalong nagpalambot ng puso ni Tita Chit.

“Nagyayakapan sila roon na parang mag-ina talaga. I was touched by Maja’s gesture,” anipa ni Tita Chit.

Sa mga interview kay Maja, inamin niyang inuunti-unti niya raw ang pakikipagbati kay Tita Chit. Ayaw niya raw itong biglain at baka magkaroon na naman sila ng usapin.

“Kilala niya na talaga ako kung ganun,” komento ni Tita Chit tungkol sa ginagawi ni Maja. Ayaw rin naman daw ni Tita Chit na basta na lang isantabi ang lahat ng nangyaring gusot sa kanilang dalawa. Kaya nga pagkatapos ng eksena sa libing ng kanyang ina at inasikaso na niya uli ang trabaho bilang manager ni Maja, pinakiusapan pa ni Tita Chit si Manay Ethel kung puwedeng ito na muna ang mag-preside sa pa-presscon ng isang produktong ineendorso ni Maja.

“Kasama kasi sa pinirmahan naming contract with the product na may pa-presscon kami. Kinausap ko si Ethel na kung puwede siya ang mag-preside kasi kung ako ang naroon siguradong ang itatanong ang tungkol sa pagbabati namin at hindi yung produkto,” paliwanag ni Tita Chit.

Pero pagkatapos daw ng presscon, umupo sa tabi niya si Maja at naglambing.

“Tita, samahan mo naman ako sa ganito, samahan mo naman ako sa ganyan. Hindi ako sumasagot, because I wanted Ma’am Malou Santos to have the final say.”

SEVERING RELATION. Nang matapos ang kontrata nina Tita Chit at Maja sa Star Magic (Talent Center) last year, pumirma naman sila ng kontrata with STRAM (Star Records Artists Management) na pag-aari ni Malou Santos at headed by Annabelle Regalado. At gusto nga sana ni Tita Chit na kung may mga bagong papasuking transaksyon ay si Malou Santos o ang STRAM na ang magdedesisyon.

“Nakapagsabi na kasi ako noon kay Ma’am Malou na I would like to sever my relation with Maja. Ang sabi ko nga noon kay Annabelle, who’s like the bridge between me and Ma’am Malou, kung gusto nila, bilhin nila ang contract. Parang ganun. Ayoko ng away, basta…tapos na.”

Sa tono ng pananalita ni Tita Chit, masasabing naging malalim talaga ang ginawang sugat ng alitan nila ni Maja. Kung siya nga raw ang masusunod ay gusto niyang tapos na ang lahat sa kanila ni Maja.

“But it all depends on what Ma’am Malou will say. Ang gusto kasi nila balikan [kami ni Maja]. Kung yun ang gusto nila, susunod na lang ako. I have so much respect for Ma’am Malou and Ma’am Charo [Malou Santos’s sister], na anything that they will say about my relationship with Maja, tatanggapin ko na lang. Ayoko rin namang makagalit sila. Ayoko rin namang madamay pati na yung bagong talents ko.

“I would like to maintain a very good relationship with them [STRAM]. And siguro, one of the things, that I should maintain is their friendship and their respect.”

JO ANN MAGLIPON
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: