Angelika, aminadong hindi nahirapang magdesisyon iwanan ang ABS-CBN

Aminado si Angelika dela Cruz na ang desisyong lumipat sa GMA-7 ay hindi gaanong naging mahirap sa kanya.

Unlike some of the stars na dumaan sa matinding dilemma kung lilipat ba o hindi, siya raw ay madaling napagdesisyunan ang lahat.

Maganda raw ang offer ng GMA-7 at nagustuhan agad ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita, kaya madali siyang nagdesisyon.

Bukod dito, an exclusive two-year contract was also offered, kung saa’y naka-stipulate na minimum of two soaps a year ang kanyang gagawin.

“So, okay na sa akin ’yun. ’Yun lang naman ang gusto ko. ’Yung sigurado akong meron akong gagawin. Hindi ’yung pagkatapos ng show na ginagawa ko, parang ano na, what’s next? Mahirap ’yung ganu’n, ’di ba? Siyempre, kailangan din naman natin ng trabaho,” say ni Angelika.

Sa ABS-CBN daw kasi, wala siyang kontrata at per program lang lagi ang agreement.

“Kaya ngayon, happy na ako sa GMA-7,” say pa niya.

Bagama’t hindi raw kasama ang pelikula sa kanyang pinirmahan, may inaayos sa ngayon na ayaw pa niyang ikuwento dahil hindi pa sigurado.

Pero base sa pananalita niya, nahigingan naming may isa pa siyang kontratang pipirmahan sa GMA Network, hindi lang malinaw sa amin kung GMA Records o GMA Films.

Matagal na rin daw siyang hindi nakagagawa ng movie. Stupid Love pa raw yata ang last film niya four years ago. Given a chance, gusto niya ring makabalik sa movies.

Ang isa pang gusto niyang balikan ay ang singing. Ito raw ang mga bagay na noon pa ay gustung-gusto niyang gawin at hindi ’yung naka-stuck lang sa pagiging kontrabida.

“Okay lang naman sa akin to play kontrabida, wala namang problema ru’n. But at the same time, gusto ko rin na may iba pang ginagawa. Hindi ’yung puro kontrabida na lang,” she said.

Sa presscon, nagniningning ang kaputian ni Angelika kaya hindi kataka-takang mapili siyang bagong endorser ng Blooming.

VINIA VIVAR
Journal Online

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: