Talents ng Viva Artist Agency lilipat na sa GMA-7

NAGIGING matamlay na ang samahan ng ABS-CBN at Viva Artist Agency.

Ayon sa balita posibleng lumipat sa bakuran ng GMA-7 ang talents ng Viva na sina Sarah Geronimo,Mark Bautista, Rachelle Anne Go at Christian Bautista.

May hindi raw kasi na-pagkakasunduan ang dos at ang VAA regarding sa mga trabaho ng mga nabanggit na talents.

Pero kung sa talent fee naman daw ay walang problema.

Ang reklamo lang ng ibang talents ng VAA ay hindi sila gaanong nabibigyan ng trabaho ng Kapamilya.

Kapag natuloy ang pag-lipat nina Sarah, Mark, Rachelle Ann at Christian, tiyak na maraming artista ng GMA-7 ang maaapektuhan.

Sure na maraming talents ng GMA Artist Center ang hindi mabibigyan ng trabaho, lalung-lalo na ‘yung mga walang ibubuga sa akting, kapag natuloy ang pag-lipat ng mga VAA performers na halos lahat ay mahuhusay.

Ayon pa sa balita mukhang mas type ngayon ng VAA ang GMA-7 dahil consistent number one network na ito ngayon at maraming shows ang binubuksan nito.

GARY STA. ANA
Journal Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: