Diether Ocampo will not appear with Kristine Hermosa in “Prinsesa ng Banyera”

Diether Ocampo will not appear with Kristine Hermosa in

Clamoring fans of Kristine Hermosa and Diether Ocampo will get disappointed as larger number of Prinsesa ng Banyera viewers air their disapproval of the idea of getting them together in the show.

Isa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mga nakatanggap ng e-mail mula sa fans nina Kristine Hermosa at Diether Ocampo para iparating sa ABS-CBN ang kanilang request na pagsamahin sa isang show ang dalawa. Kung nagawa raw ipasok sa Prinsesa ng Banyera si Oyo Sotto, bakit hindi rin daw isama si Diether na bukod sa naunang makapareha ni Kristine ay nakarelasyon pa.

Kaya nang ibalita ni Kristine via Chikka-text na papasok sa Prinsesa ng Banyera si Diether, tuwang-tuwa ang kanilang fans kahit cameo role lang ang magiging partisipasyon nito. In-e-mail uli ang PEP ng fans ng dalawa na balik-panonood sila sa show na pansamantala nilang iniwan nang pumasok si Oyo.

Dahil sa tuwa, may mga nag-request sa ABS-CBN na i-guest sa Maalaala Mo Kaya sina Kristine at Diether at bigyan ng primetime soap after PNB. May nag-e-mail pang pelikula naman sa Star Cinema ang hinihingi nila para rin sa dalawa.

Ayaw sana ng PEP na maging bearer ng sad news, pero ang latest na rinig namin ay hindi na matutuloy ang pagpasok ni Diether sa PNB. It turned out, mas maraming viewers ng show ang ayaw siyang madagdag sa cast at mas gusto na nila ang tambalan nina Kristine at TJ Trinidad. Naloka raw ang staff sa rami ng nag-e-mail at galit sa plano nilang idagdag sa cast si Diether.

Kaya, sa nakaraang meeting ng staff, napagdesisyunang ibang actor na lang ang ipasok sa role na gagampanan sana ni Diether. Nalaman ng PEP na kung natuloy si Diether, hindi lang cameo role ang labas niya, kundi buong season na o hanggang matapos ang serye. Ibig sabihin, kung buong season masisiyahan ang Kristine-Diet fans, buong season ding aburido ang supporters ng Kristine-TJ love team.

Mabuti na lang at leading man si Diether ni Claudine Barretto sa Maligno, kaya muli nilang mapapanood ang actor regularly for three to four weeks at sa April na ang airing nito. Siguro naman sa next soap ni Kristine, sila naman ni Diether ang pagtatambalin ng Dos para mapagbigyan ang fans ng dalawa na tampung-tampo na.

Hindi na rin tuloy ang balak ng staff na ipasok si Jericho Rosales sa PNB, dahil nag-beg-off ang actor. Hindi pa raw siya ready na makatrabaho si Kristine na ex-girlfriend niya. Sabi sa PEP, ang actor ang original choice sa role ni TJ, pero noon pa man, tinanggihan na ang project for the same reason.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: