Angelika dela Cruz and Sunshine Dizon leave all their quarrels in the past

Angelika dela Cruz and Sunshine Dizon leave all their quarrels in the past

“E, noong mga panahon din na ‘yon, talagang mabilis kaming mag-react kahit na hindi namin nakakausap pa ang isa’t isa. Kamalditahan days ko pa naman iyon noon kaya kung ano ang makarating sa akin, super react ako,” remembers Angelika dela Cruz (left) about the rift she and Sunshine Dizon (right) had in the past.

Tuwang-tuwa si Angelika dela Cruz nang makarating sa kanya ang balita na willing na makipagtrabaho si Sunshine Dizon sa kanya. Kung matatandaan ay nagkaroon ng ‘di magandang pagsasama sa TV shows ang dalawa may ilang taon nang nakakaraan.

Nang huli naming makausap si Sunshine ay wala naman daw problema sa kanya if ever na magsama ulit sila ni Angelika sa isang project. Matagal na panahon na raw iyong nangyari sa kanila at handa naman daw na nilang harapin ang isa’t isa.

“May nakapagsabi nga sa akin na okey na kay Sunshine na magkatrabaho kami,” ani Angelika. “Happy naman ako kasi wala ring problema sa akin if ever nga na magsama kami sa isang project.

“Ilang years na rin ang dumaan since Umulan Man O Umaraw and Ikaw Lang Ang Mamahalin. Mga bata pa kami noon at inaamin ko na nagpadala kami sa mga tsismis at sa mga sinasabi noon ng ibang tao na gusto kaming pag-awayin.

“E, noong mga panahon din na ‘yon, talagang mabilis kaming mag-react kahit na hindi namin nakakausap pa ang isa’t isa. Kamalditahan days ko pa naman iyon noon kaya kung ano ang makarating sa akin, super react ako.

“Ngayon, tapos na yung mga panahon na iyon and I would like to work with Sunshine again. Sa totoo lang, she’s really doing good as an actress. Magaling siya sa Encantadia, Bakekang, Impostora at nitong huli sa La Vendetta. Hanga ako sa kanya bilang artista.

“Kung mabigyan kami ng chance ni Sunshine, why not, ‘di ba? Ngayon pa na nagbalik na ako sa GMA-7 (via Babangon Ako’t Dudurugin Kita), madali na para sa amin ang magkita ulit.”

Hindi lang naman ang pagsasama noon nila Angelika at Sunshine soap drama ang naging common sa dalawa. Pareho rin nilang naging boyfriend si Victor Neri at ang sumakabilang-buhay na si Miko Sotto.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: