Indie docu-movie about Robin Padilla, in the works

Indie docu-movie about Robin Padilla, in the works

An independent documentary style movie about Robin Padilla is in the works. With discoverer and former manager Director Deo J. Fajardo directing the said movie.

Tinatapos pala ngayon ni Direk Deo Fajardo ang isang indie docu-film tungkol sa buhay ng kanyang naging alaga na si Robin Padilla. Ang titulo ng indie movie ay Paano Ginawa Ang Isang Robin Padilla.

Ang gumaganap bilang si Direk Deo ay ang character actor na si Richard Quan. Si Dikong (nickname ni Direk Deo) daw mismo ang kumausap sa kanya para gumanap sa kanyang role.

“Pinag-aralan ko ang mga kilos ni Direk Deo. Pati na ang paraan ng pananalita niya para credible naman ang pagganap ko. Sa pakikipagkuwentuhan ko kay Direk Deo, marami akong nalaman na kuwento tungkol kay Robin. Makulay pala talaga ang buhay niya at siyempre, saksi roon si Direk Deo.”

Suportado nga raw ni Binoe ang project na ito at tumutulong din daw siya sa pag-produce nito. Ang pakiusap lang daw ni Binoe ay walang idadagdag sa istorya niya nang hindi niya nalalaman.

“Ang gusto raw kasi ni Binoe yung kung paano siya nakilala at sumikat bilang isang artista. Ipapakita rin dito yung mga hirap na pinagdaanan ng pamilya nila noong bata pa siya. Maraming matututunan sa mga nangyari sa buhay ni Binoe sa docu-film na ito,” dagdag pa ni Richard.

May mga interviews nga mula sa mga tao na nakakakilala kay Binoe noong hindi pa ito artista at sa mga artista na mga naging kaibigan na nito sa matagal na panahon.

Plano ngang ipasok sa isang international festival for indie films ang Paano Ginawa Ang Isang Robin Padilla.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: