Alma Concepcion denies she’s the source of Dody-Gretchen rumor

Alma Concepcion denies she's the source of Dody-Gretchen rumor

“Wala naman akong puwedeng sabihin kasi wala akong alam talaga. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Dodi at ayokong sabihin niya na nakikisawsaw ako. As far as I am concerned, wala akong involvement at marami akong ginagawang importante kesa sa magkalat ng ‘di totoong tsismis, ‘di ba?” Alma Concepcion clears herself from being tagged as the source of the Dody Puno-Gretchen Barretto relationship rumor.

Sa press conference ng Daisy Siete: Season 8 (Prince Charming and the 7 Maids) ay kinuwento ni Alma Concepcion na hindi niya tinuloy ang dapat na malaking 7th birthday party niya para sa kanyang anak na si Kobi dahil sa tsismis na kinasangkutan ng ama ni Kobi na si Dody Puno.

Natakot kasi si Alma na baka sugurin ng media ang party ng kanyang anak at pilitin siya at si Dody na magsalita regarding Gretchen Barretto.

Ayon kay Alma, simpleng celebration na lang ang ginawa nila at in-explain naman niya sa kanyang anak kung bakit ‘di na siya nagpa-party ng malaki dahil nais niyang protektahan ito.

Nasagot ni Alma ang tungkol kina Gretchen at Dody. Wala raw siyang alam sa mga ginagawa ni Dodi dahil matagal na raw silang hiwalay nito. Walong taon na raw ang nakakaraan at magkaibigan na lang daw talaga sila.

“Regarding kay Gretchen, hindi naman kami close pero nakausap ko na siya. Mabait naman siya and she’s close din sa anak namin ni Dody,” sey ni Alma. “Binigyan pa nga niya ng gift si Kobi na ikinatuwa ko naman.”

Nagulat nga raw si Alma na siya ang tinuro diumano ni Nadia Montenegro na nagkakalat tungkol sa relasyon daw ni Gretchen kay Dody.

“I got so upset kasi bakit ako nadadamay diyan? Tahimik ako at ang anak ko. Noong pumutok nga ang balitang ‘yan, maraming kaibigan ko from the press ang tumawag sa akin. I kindly turned them down kasi wala naman akong kinalaman sa kanila.

“Wala naman akong puwedeng sabihin kasi wala akong alam talaga. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Dody at ayokong sabihin niya na nakikisawsaw ako.

“As far as I am concerned, wala akong involvement at marami akong ginagawang importante kesa sa magkalat ng ‘di totoong tsismis, ‘di ba?”

GETTING MARRIED SOON. Inamin ni Alma na may boyfriend siya ngayon at may plano na silang magpakasal. Pero marami pa raw paghahanda na ginagawa kaya medyo matatagal pa ito.

“Kahit na sa edad kong ito, marami pa palang kailangang ayusin before you get married. Physically, emotionally ay dapat prepared kayo.

“But I’m in this relationship for more than three years na. Mabait siyang tao at mahal niya ang anak ko. Hindi ko na sasabihin ang name niya kasi pribado siyang tao.”

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: