Polo Ravales, baffled by Ara Mina’s comments about him and Jean Garcia

Polo Ravales, baffled by Ara Mina's comments about him and Jean Garcia

“Ewan ko kung bakit siya nagre-react. At ang tagal na ng isyu sa amin. Hindi ko naman girlfriend si Ms. Jean. At saka wala naman yun sa age, nasa pag-uugali,” says Polo Ravales when told about ex-girlfriend Ara Mina’s comments.

Nagmamadaling umalis si Polo Ravales sa presscon ng Manay Po 2: Overload na showing on April 16. Pupunta pa raw kasi ito sa shooting ng isa pa niyang ginagawang pelikula. Tiyempo namang inabangan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nung lumabas na siya ng function room ng Imperial Palace at sinimulang tanungin tungkol sa latest na intrigang kinai-involve-an niya.

May binitawan kasing salita ang dating kasintahan ni Polo na si Ara Mina. Nag-react kasi si Ara sa sinabi dati ni Polo sa isang interview kunsaan sinabi niyang ang nali-link sa kanya ngayong si Jean Garcia ang siyang lucky charm niya.

Hindi ito tinanggap ng mabuti ni Ara at nagpasaring sa dating kasintahan.

“Ewan ko kung bakit siya nagre-react,” simula ni Polo nang kapanayamin ng PEP. “At ang tagal na ng isyu sa amin. Mas gusto ba niya na siya ang lucky charm ko?” may himig sarkastikong tanong ni Polo.

Nagugulat na lang daw siya na kung bakit nare-react si Ara. Maliit na bagay raw ang sinabi niyang iyon noon para pansinin. At para kay Polo nagkaroon naman daw ng closure ang relasyon nila ni Ara. One year nang mahigit.

Nagbitaw pa si Ara ng salitang mahihilig daw sa mga babaeng mas matatanda pa sa kanyang mga boyfriend ang kanyang mga ex. Tulad nga ni Jomari Yllana na girlfriend ngayon si Pops Fernandez, at si Polo na ngayon ay nali-link kay Jean.

Pero girlfriend na nga ba ni Polo si Jean?

“Hindi ko naman girlfriend si Ms. Jean. At saka wala naman yun sa age, nasa pag-uugali,” depensa ni Polo.

Curiously, bakit Ms. Jean ang tawag ni Polo sa aktres?

“Nirerespeto ko kasi siya,” esplika ni Polo.

“‘Tsaka swak kami ng ugali. Parang siya yung babaeng ako. Parang soulmate talaga kami. Hindi kasi kami showbiz pareho.”

Samantala, sobrang na-challenge si Polo sa kanyang role bilang isang closet gay sa unang Manay Po. At sa sequel nito, mas malaking hamon ang role ni Polo para sa kanya.

“Sa part two, open na ako pero hindi kasing-loud na gay ni John [Prats]. Ang malaking difference talaga dito sa sequel ay yung mas comfortable na kami ngayon with our roles.”

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: