Ogie Alcasid defends Regine Velasquez’s decision to stay with GMA-7

Ogie Alcasid defends Regine Velasquez's decision to stay with GMA-7

“Huwag natin siyang akusahan. I really felt bad for Regine sa mga hindi nakaalam ng buong istorya at nakaintindi sa kanya. Pero ganyan naman talaga. May ibang opinion ang bawat tao,” says Ogie Alcasid about the criticisms that Regine Velasquez gets after her decision not to transfer to ABS-CBN.

Hindi pansariling interes kung bakit masaya si Ogie Alcasid sa pananatili sa GMA-7 ng girlfriend niya na si Regine Velasquez. Feeling ni Ogie, maaalagaan pa rin nang mabuti ng GMA-7 si Regine.

“I was beside her all the time na nangyayari yung isyu sa kanya. Nagtatanong siya sa akin. Sinasabi niya sa akin ang problema. I guess, alam niya na I want her to stay [sa GMA-7] not only for my own personal interest, but because Regine is Regine,” pahayag ni Ogie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng Belo clinic sa Trinoma last Wednesday, March 12.

May nagdududa na pinigilan ni Ogie si Regine na lumipat sa ABS-CBN. Pero mariin itong itinanggi ng singer-comedian.

“Hindi ko siya pinigilan,” giit niya. “Wala akong power na pigilan siya. All I can say to her is I support her sa lahat ng desisyon niya. Malinaw naman ang paliwanag niya sa kanyang interview, e. All this time, she’s been very honest.”

REGINE’S CRITICS. Sa kabila nito, may mga bumabatikos pa rin kay Regine sa mga ginawa niyang hakbang sa tangkang paglipat sa ABS-CBN hanggang sa huling desisyon niya na manatili sa GMA-7. To the point na naakusahan pa si Regine na ginamit ang ABS-CBN para makakuha ng mas magandang deal sa GMA-7.

“Regine is not that kind of person,” pagtatanggol ni Ogie. “Hindi naman siya ganun. At huwag natin siyang akusahan. I really felt bad for Regine sa mga hindi nakaalam ng buong istorya at nakaintindi sa kanya. Pero ganyan naman talaga. May ibang opinion ang bawat tao.”

Sa palagay niya ba ay masaya si Regine sa naging desisyon niya na manatili sa GMA-7?

“I can see she’s very happy naman,” sagot ni Ogie.

Ano naman ang masasabi niya sa mga ilang Kapuso stars na na-turn off daw sa ginawa ni Regine na tangkang umalis ng GMA-7 at pagkatapos magpaalam sa Sunday musical variety show nila na SOP ay bumalik din pagkatapos ng dalawang linggo?

“I don’t know why. Regine didn’t do anything. She didn’t offend anyone. I feel bad. Siguro hindi nila alam ang totoong nangyari,” sagot ni singer-comedian.

FIFTH ANNIVERSARY. This year, ise-celebrate nina Ogie at Regine ang kanilang ika-limang taong anibersaryo bilang magkasintahan. Kasunod nito ang excitement sa pagkakaroon nila ng anak.

“Sino ba naman ang ayaw noon [magka-baby]? But like she says all the time, I still have to fix things first,” sabi ni Ogie, na ang tinutukoy ay ang annulment nila ng asawa niyang si Michelle Van Eimeren.

Isa rin sa sinabi ni Regine sa huling interview namin sa kanya na kailangan pa raw muna nilang mag-ipon para sa baby nila. Kaya naman desidido si Regine na magtrabaho muna nang magtrabaho ngayon.

“Huwag na. Nandito naman ako, e,” pagkontra ni Ogie sa sinabi ni Regine.

May nag-aalala naman para sa Asia’s Songbird. Baka raw kasi any moment ay maghiwalay sila at mauwi lang sa wala ang relasyon nila, lalo pa’t hanggang ngayon ay walang assurance si Regine sa piling ni Ogie kung hahantong ba sila sa kasalan o hindi.

“Hindi naman ako mawawala, e. Nandiyan lang ako sa tabi niya,” paniniguro ni Ogie.

Masasabi ba niya na forever na sila ni Regine?

“Forty na ako, so this is it,” sagot niya.

May wedding in mind na ba sila ni Regine? Kung kay Michelle ay sa bayan ni Ogie sa Batangas sila ikinasal, saan naman kaya niya pakakasalan si Regine?

“Wedding is really for the girl. So, kung ano ang gusto niya…” sabi ni Ogie.

How true na yung bahay ni Regine na nakatayo ngayon sa Ayala Heights ang magiging tirahan nila ni Ogie. May usap-usapan kasi na binili ‘yon ni Ogie para kay Regine. Since tapos naman na ni Ogie patayuan ng bahay ang kanyang estranged wife na si Michelle at dalawa nilang anak na babae sa Australia.

“Bahay niya ‘yon [Regine],” paglilinaw ni Ogie. “Hindi conjugal property ‘yon. Hindi pa puwede. That’s all hearsay. May iba akong lote na binili. Pero matagal ko na rin binili ‘yon, sa may Antipolo.”

20TH ANNIVERSARY CONCERT. Samantala, excited na si Ogie sa kanyang concert for his 20th anniversary in show business. Kinumpirma ni Ogie na manonood si Michelle at ang kanilang dalawang anak sa kanyang concert sa Araneta Coliseum on September 20.

“Excited ako na mapanood ng mga anak ko. Matagal na nila akong hindi napapanood sa isang concert nang live. Napanood nila ako noon, pero ang babata pa nila that time. Recently, sa You Tube lang nila ako napapanood,” natatawang kuwento ni Ogie.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: