Mariel Rodriguez counters report that she did not allow her “lolo” to enter ABS-CBN

Mariel Rodriguez counters report that she did not allow her

“Kasi kung meron po akong kamag-anak na papasok sa Wowowee, ako po ang nag-reserve para sa kanila, di ba? Kasi kung kamag-anak ko sila, it will course through me so I should know that I have guests,” explains Mariel Rodriguez about a report that she denied her “grandfather” from entering ABS-CBN to watch Wowowee.

Mariing itinanggi ni Mariel Rodriguez ang isyu na idinenay niya ang kanyang lolo na makapasok ng ABS-CBN at makapanood ng Wowowee.

Ayon sa lumabas na kolum ni Tita Swarding sa Pinoy Parazzi, may isang pintor na nagngangalang Armando Heron na kaibigan ng dating sexy star na si May Villarica. Niregaluhan daw ni Armando ng dala-dala niyang mamahaling painting with matching body massage lotion si Mariel sa isang party. Nakatsikahan din daw ni Mariel ang kanyang lolo na umabot sa tatlong oras at doon humirit pa ulit si Mariel ng isa pang body lotion.

After a week, kuwento ni Tita Swarding, nagkayayaan daw ang asawa ni General Tiangco ng Philippine National Police at si Armando na pumunta at manood sa Wowowee. Pagdating daw sa studio ay hindi sila pinapasok ng guard kahit na sinabi nilang apo at pamangkin ni General Tiangco si Mariel. Nang ipatawag si Mariel ng guard, sinalubong daw sila ng TV host ng, “Pasensya na po. Hindi ko po kayo kilala.”

MARIEL’S STORY. Nagpaliwanag si Mariel sa isyung ito sa presscon ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.

“Number one, wala po akong natatandaang incident na ganun,” panimula ni Mariel. “‘Tsaka lahat naman siguro ng lolo ko kilala ko. Marami naman talaga nag-aano na guest sila. I have no idea, but I do not remember an incident na nagkaroon ng ganun.”

Patuloy niya, “I have two lolos. One who passed away on my dad’s side and the one who raised me.”

Pero nangyari na ba na meron siyang kamag-anak na nanood ng Wowowee?

“Kasi kung meron po akong kamag-anak na papasok sa Wowowee, ako po ang nag-reserve para sa kanila, di ba? Kasi kung kamag-anak ko sila, it will course through me so I should know that I have guests. Na alam din nila, ng audience coordinator namin, kasi tine- text ko siya, e. ‘Puwede ba akong magpasok ng five na people today?’

“‘Tapos sinasabi ko hanapin si Ate Heide. ‘Tapos sabihin ninyo guests ko kayo. Ganun lang kadali. Yung lola ko nga pinapasundo ko pa, e. Nanood na ang lola ko. I have titas from the States na nanood na diyan,” paliwanag ni Mariel.

QUIET ABOUT ZANJOE. Pagkatapos klaruhin ni Mariel ang isyu, kinumusta naman namin sa kanya ang tungkol sa rumored boyfriend niya na si Zanjoe Marudo.

“Naku, baka pagalitan na naman tayo ni Tito Boy [Abunda, her manager]! Madaldal kasi ako. Dapat quiet na ako ngayon. I’ve changed,” natatawa niyang sabi.

Nagpahiwatig na si Zanjoe sa programang Boy & Kris ng kanyang intensiyon kay Mariel na na-appreciate naman ng manager ng TV host na si Boy.

“Nagulat nga ako. Ay, taray!” bulalas ni Mariel.

Ano ang feeling na unti-unti ay umaamin na si Zanjoe sa relasyon nila?

“Wala, okey lang. Wala, quiet na ako. Behaved na ako ngayon. Pagagalitan tayo ni Tito Boy, madaldal ako, “ulit ni Mariel.

Madalas ba siyang pagalitan ni Kuya Boy?

“Hindi. Nakakatawa si Tito Boy… Actually, tumawag siya tapos tawa siya nang tawa. ‘You know you should not say that,’ sabi niya. Alam mo naman si Tito Boy. Close ako sa kanya, e. I can tell Tito Boy whatever. While kami naman ni Zanjoe, iba kasi ang personality namin, e. Tahimik siya, madaldal naman ako,” ngiti ni Mariel.

Does this mean na walang “balls” si Zanjoe para aminin ang relasyon nila?

“Sabihin na natin, may balls naman!” natatawang pagtatanggol ni Mariel sa model turned actor.

“Naku! Ayan na naman ako,” sabi ni Mariel nang nahimasmasan siya.

Basta ang importante na lang daw sa kanila ni Zanjoe ngayon ay nagkakaintindihan sila.

“Oo, basta masaya tayo, di ba? Alam mo, naisip ko ngayon in this world, you don’t care anymore na ano’ng sinasabi ng tao around you. You don’t care anymore. Like Bianca [Gonzalez], nakita mo ang aura? Masayang-masaya siya. And so, kung anuman meron sila [ni Lino Cayetano], kanila na lang.

“Kasi ako, I’m always ‘Go, go! Magsalita ka. Okay lang.’ Opposite ko ‘yan [Bianca], e. ‘Yan baligtad naman kami. Eto naman, pilit pinipiga ni Tito Boy, ‘Hoy, magsalita ka naman,’” lahad ni Mariel.

ABORTED DRAMA SERIES. Hindi lang ang lovelife ni Mariel ang masaya ngayon kundi pati na ang kanyang showbiz career. Malungkot lang na kinumpirma sa amin ni Mariel na hindi na siya matutuloy sa teleserye nina Judy Ann Santos at Derek Ramsay, ang Habang May Buhay sa direksiyon ni Mark Meily.

“Paano ba ko magsisimula?” pag-iisip ni Mariel kung paano ipaliliwanag ang hindi niya pagkakatuloy sa kauna-unahan niya sanang teleserye.

“Because I have Wowowee and [PBB Teen Edition Plus] Uber, and dun sa soap, Tuesdays, Thursdays, and Saturdays ang hinihingi nila. ‘Eto ang pagkaka-explain sa akin. So, meaning, absent ako sa Wowowee, hindi rin ako puwede sa Uber.

“Unfair naman sa ibang mga hosts at unfair din kay Judy Ann. Kunyari aalis ako, ‘Ay, aalis muna ako may Wowowee ako. E, si Judy Ann Santos ‘yon ‘tapos paghihintayin ko? Sino ba naman ako? Hindi fair sa lahat.

“Alam mo, nahihiya ako kasi in-announce-announce ko na sa mga radio, sinasabi ko lahat. Nagpa-storycon ako, nag-pose ako ro’n. Hindi naman pictorial, pero nag-pose lang ako sa storycon kasi may kamera doon kaya nakiki-smile din ako. ‘Tapos hindi naman pala [matutuloy]. It really breaks my heart because I really wanted to do that.

“Nag-shopping pa ako para doon. Siyempre! Kasi red, parang everything may touch ng red. Ganun ang nakita ko sa character ko nung mabasa ko yung story. Dahil nga nandun na ako sa storycon. I was so excited. Pero ganun talaga. Kaya sinasabi ko na lang hindi pa ito ang tamang panahon. Pero God has something for me,” pagtatapos ni Mariel.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: