Marian Rivera spotted with rumored boyfriend Ervic Vijandre in a bar

Marian Rivera spotted with rumored boyfriend Ervic Vijandre in a bar

Young actress Marian Rivera was seen together with rumored boyfriend Eric Vijandre at the victory party for the Bb. Pilipinas winners in Temple Bar last March 13.

Medyo maluwag siguro ang schedule ni Marian Rivera nung gabi ng March 13 kaya nagkaroon sila ng time ni Ervic Vijandre na mamasyal sa Greenbelt, Makati.

And who is Ervic Vijandre?

Sa cover story ng YES! magazine, January 2008 issue, page 82, paragraphs 6 and 7 sa last column, nakalagay ang ganito:

Marian admits that, before making it in show business, she had already been through three relationships. Her third boyfriend, an athlete who plays baseball for the Philippine national team, was the longest and the most serious relationship she has had so far.

“Six years kami,” she smiles, without giving us the guy’s name. “Ever since third year high school pa lang ako, kilala na niya ako. Hanggang nag-college ako, siya ‘yong boyfriend ko.”

Mga November 2007 nang ma-interview si Marian ng YES!, ayon kay Anna Pingol, ang associate editor ng magazine. At nang mga panahon na yun, famously loveless—to quote YES!—si Marian. At ang dahilan: ang pagiging napaka-busy niya sa trabaho.

“Hindi na nga ako natutulog, paano pa ako magbo-boyfriend?” natatawang banggit noon ni Marian.

Pero sa last part ng 15-page cover story on Marian, ganito ang nakasaad:

Is there a good candidate for Mr. Love-me-for-what-I-am?

“Hmmm, actually, siya,” she smiles.

Who?

With a bit of mischief in her eyes, she says: “Si six years.”

So, sino pa nga ba si Six Years kundi si Ervic Vijandre, na una naming na-encounter nang pini-pictorial siya ng Mercator Modeling Agency sa Makati almost a year ago. Standing 6′1″, model wannabe si Ervic, na tipong pang-jeans and underwear ang concept ng pictorial sa kanya.

Parehong La Sallista sina Ervic at Marian. Graduate sa La Salle Taft si Ervic samantalang sa La Salle Dasmarinas naman nakatapos si Marian.

Naalala nga pala namin ang aming pakikipag-chika kay Marian a month ago noong launching niya as Karimadon endorser. When asked about her lovelife, nag-beg off siya. Gusto raw niyang “may matira pang konting privacy” tungkol sa buhay niya.

At yun ang nasa isip namin nang pagpasok niya sa Temple Bar at may photographer na nag-request na kunan sila together ni Ervin, pero umayaw si Marian.

But with the other guests, game namang makipagkodakan si Marian.

Mga 10:30 nang pumasok sina Marian at Ervic sa Temple Bar. The affair was actually a “victory party” para kina Jennifer Barientos and Danielle Castaño, Bb. Pilipinas-Universe 2008 and first runner-up, respectively.

“Actually, magdi-dinner sila. Nang mapadaan sila Temple Bar, we invited Eric sa loob, isinama na niya si Marian,” kuwento ng party host, si Jonas Gaffud ng Mercator.

Hindi agad napansin ng mga tao si Marian nang pumasok sila ni Ervin sa Temple Bar, dahil maraming magaganda—literally—at matatangkad na babae sa loob, kasama na ang tatlong Bb. Pilipinas Universe titleholders (Gionna Cabrera, Anna Theresa Licaros, and the current queen Jennifer), plus Danielle and other beauty queen wannabes and models.

Pero nang mapagsino ng ibang bisita na yung mestisang petite na kahalubilo nila, na naka-shorts with matching 4-inch-high heels ay si Marian Rivera na nga, kodakan galore na.

Ewan lang namin kung nakapag-dinner pa sila ni Ervic sa more than an hour na nando’n sila dahil non-stop ang bumabati kay Marian sa loob at labas ng Temple Bar.

Ang napansin namin, tumaba si Marian, so hindi naman siguro siya nagpapalipas ng gutom! Lalo pa’t may Six Years siya…na papunta nang seven years!

CES EVANGELISTA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: