Ara Mina not yet ready to make peace with Aiko Melendez

Ara Mina not yet ready to make peace with Aiko Melendez

“Wala na akong galit na nararamdaman. Lahat ng sugat nahi-heal, pero nagkakaroon ng scar,” says Ara Mina about her feud with Aiko Melendez (inset).

Sa paglabas ng actress turned politician na si Aiko Melendez sa Showbiz Central noong March 9 ay nagpahiwatig siya ng pakikipag-ayos sa aktres na si Ara Mina. Si Ara ay nakarelasyon ng dating asawa ni Aiko na si Jomari Yllana.

Nakarating ang balitang ito kay Ara bago siya pumunta ng Dubai last week. Pero tila hindi positibo ang pagtingin ni Ara dito.

“E, bakit ngayon lang? Dapat noon pa. Three years ago na ‘yan na dapat nangyari. Siguro it’s not the right time,” pahayag ni Ara sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pabor ba siya na makipagbati na kay Aiko?

“Okay lang, pero parang feeling ko naman, kahit hindi kami magkita, yun na ‘yon. Ano pa ba ang pag-uusapan namin? ‘Tsaka ang tagal na noon, bakit kailangan pang i-reminisce?” rason ni Ara.

Babatiin ba niya si Aiko kapag nagkita sila sa isang showbiz affair?

“Pag nagkita na lang kami, e, di ‘Hi, how are you?’ Ganun lang at hindi na kailangang pag-usapan yung nakaraan,” sagot ni Ara.

Galit pa rin ba si Ara kay Aiko dahil sa nangyari sa kanila noon?

“Wala na akong galit na nararamdaman. Lahat ng sugat nahi-heal, pero nagkakaroon ng scar,” matalinhaga niyang tugon.

Ayon kay Ara, mas maganda raw kung magbabati sila ni Aiko off-cam.

“Hindi na kailangang mag-on cam. Hindi na dapat pagplanuhan. The more na pinaplano, hindi natutuloy. Ang tagal na niyan. Okay naman ‘yon kung gusto niya talaga. Pero hindi na kailangang i-announce sa TV,” sabi ni Ara.

Kung sakali, patatawarin ba niya si Aiko sa mga nagawa nito sa kanya?

“I’m sure sasabihin naman niya kung siya ang tatanungin, ‘Pinapatawad ko siya,’” sagot ni Ara.

Gusto ni Ara na sincere talaga si Aiko sa kanyang pakikipagbati sa kanya.

“Mapi-feel ko naman if she’s sincere, di ba?” aniya.

Sa tingin niya ba ay sincere si Aiko sa pakikipagbati sa kanya?

Natagalan bago sumagot si Ara. “Na-mental block ako!” natatawang pahayag niya.

Sa huli, sinabi ni Ara na hindi raw kasi niya napanood ang interview kay Aiko kaya hindi niya masabi kung sincere ba ito o hindi.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: