Regine Velasquez says Ogie Alcasid has not yet proposed to her

Regine Velasquez says Ogie Alcasid has not yet proposed to her

“Hindi ko pa napapag-isipan ‘yan. Pangit naman yung plano ako nang plano ‘tapos hindi ko alam kung kailan. We have so many things to settle,” says Regine Velasquez about wedding plans with boyfriend Ogie Alcasid.

Pinakahuling couple na dumating sa unveiling ng second volume ng Belo’s Skin Magazine ang magkasintahan na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Nakakaaliw pagmasdan ang magkasintahan sa kanilang tuksuhan, biruan, at lambingan tulad na lang nung tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ogie kung kailan ang exact anniversary nila ni Regine.

“October 11,” ang sabi ni Ogie kasunod ang pagsimangot ni Regine.

“Mag-taxi ka na lang pauwi,” biro ni Regine kay Ogie.

Ni-remind ni Regine si Ogie na November 11 ang kanilang anniversary. At sa November 11, 2008 ang kanilang ika-limang taon na anibersaryo bilang magkasintahan.

Marami naman ang humuhula na ngayong taon magpapakasal sina Ogie at Regine. Type ba ni Regine na magpakasal sila ni Ogie sa kanyang bayan sa Bulacan?

“Sa mall na lang kaya? O, puwede rin sa bahay. O kaya sa Max’s,” natatawang pahayag ni Regine.

“Hindi ko pa napapag-isipan ‘yan,” patuloy niya na seryoso na. “Pangit naman yung plano ako nang plano ‘tapos hindi ko alam kung kailan. We have so many things to settle. Pero teka, dapat mag-propose muna siya, ‘no! Hindi pa nga siya nagpo-propose, kasal na agad?”

If ever, anong klaseng engagement ring naman ang gusto niyang ibigay sa kanya ni Ogie?

“Kung ano ang kaya niya. It doesn’t matter pero dapat singlaki ng mall ang bato. Hindi kasi ako materialistic na tao!” sabay ngiti ni Regine.

Sabi pa ni Ogie, hindi na kailangang mag-ipon ni Regine for their baby. Siya na raw ang bahala.

“Yung pinagtatrabahuan ko naman, e, pambili ko lang ng bag. Yung pera ko, pera ko. Yung pera niya, pera ko!” tawa ni Regine sa kanyang sariling biro.

BETTY LA FEA NO MORE. Ayaw namang tawagin ni Regine na isang bagyo sa buhay niya ang naganap na kontrobersya sa naudlot niyang paglipat sa ABS-CBN para makuha ang lead role sa Betty La Fea. Dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Regine, umingay tuloy ang paglabas ng nalalapit na Pinoy version ng Betty La Fea sa ABS-CBN.

“E, di good!” sagot ni Regine nang hingan namin ng reaksiyon tungkol dito.

Sa hindi pagkakatuloy ni Regine sa ABS-CBN, marami ngayon ang nag-aabang kung kanino among the Kapamilya female stars mapupunta ang role bilang Betty La Fea. Maraming pangalan ang nabanggit kung sino ang napili ng ABS-CBN, pero hanggang ngayon ay wala pang opisyal na inihahayag ang Kapamilya network. Pero si Regine ay meron na raw ideya.

“Ang alam ko, parang kay Bea [Alonzo] na, e. I’m happy kung sa kanya mapupunta ‘yon. Gusto ko siya,” sabi ni Regine.

Nanghinayang ba siya na hindi sa kanya napunta ang role?

“Siyempre, meron talagang panghihinayang on my part. Plastik naman ako kung sasabihin ko na hindi ako nanghihinyang.”

Hindi naman nabasa ni Regine ang isang artikulo na nagsasabi na na-turn off ang iba sa ginawa niyang pamamaalam noon sa SOP at pagkatapos ay babalik din pala siya.

“They don’t know what really happened,” simpleng sabi ni Regine.

JULIE B. BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: