Angelika dela Cruz upholds career security in leaving ABS-CBN for GMA-7

Angelika dela Cruz upholds career security in leaving ABS-CBN for GMA-7

“Iba yung feeling na alam kong secured ako sa dalawang taon, hindi ako nganganga, iba yun, e. Hindi yung after one show, ‘My God, what’s gonna happen, what am I gonna do next?’ Mahirap ang ganoong feeling, e,” says Angelika dela Cruz on why she left ABS-CBN.

Balik-GMA-7 ang aktres na si Angelika dela Cruz and this time muling mapapanood ang kanyang husay sa pag-arte bilang kontrabida sa primetime soap na Babangon Ako’t Dudurugin Kita, kasama ang powerhouse cast nina Yasmien Kurdi, JC de Vera, Marvin Agustin at Dina Bonnevie.

Hindi naging problema ang paglipat ng aktres sa bakuran ng Kapuso network dahil maayos siyang nagpaalam sa dating manager (Boy Abunda) at sa ABS-CBN. Dahil dati siyang Kapamilya, paano nga ba niya maikukumpara ito sa nilipatan ngayong Kapuso network?

“As much as gusto kong mag-explain, magkuwento, mag-elaborate, I think hindi maganda para ikumpara mo ang dalawang istasyon kasi pareho akong may utang na loob, ‘di ba? Kumbaga, nagtrabaho ako sa parehong istasyon, so wala akong masamang masasabi. I’m just thankful to them sa mga opportunities na naibigay nila sa akin,” sagot ni Angelika. Gumaganap siya as Via sa bagong GMA soap na base sa komiks nobela ni Gilda Olvidado.

“Nagpaalam kasi ako nang maayos. As in talagang maayos. Ako mismo ang umakyat sa big boss ng ABS-CBN, may dala akong flowers, ‘tapos talagang usap. Sinabi ko yung dahilan ko, maayos akong nagpaalam kaya walang naging problema sa paglipat ko,” sabi ng magandang aktres. Balitang ibinigay ng GMA-7 ang lahat ng demands niya para maging Kapuso. Usap-usapan ngang mataas daw ang rate niya ngayon. Totoo ba?

“Hindi naman. I would not deny it, siyempre na mas mataas pero that’s not the reason why I transferred. It’s not because of the money, kasi money madaling magpapresyo, e. Kung lilipat ako, sasabihin ko lang pigilan n’yo ako, taasan n’yo ako, ang dali, e. Kung pera-pera lang, it’s so easy, e. It’s not that.

“Mas gusto ko yung secured ako. Yung after this [project], alam kong meron nang kasunod dahil nasa kontrata. Iba yung feeling na alam kong secured ako sa dalawang taon, hindi ako nganganga, iba yun, e. Hindi yung after one show, ‘My God, what’s gonna happen, what am I gonna do next?’ Mahirap ang ganoong feeling, e.”

Nakakontrata na nga ngayon si Angelika sa GMA-7 at may naka-line up na raw siyang iba pang soaps sa kanyang two-year contract dito. Kaya confident siyang hindi siya mababakante sa Kapuso network.

Sabi pa niya “‘Yun lang naman ang gusto ko, e, security. And I think naman kahit sinong artista, importante yon, e.

“In fairness sa GMA, ang linaw ng usapan. They want me in January pa lang para start of the year ‘andito na ‘ko, although alam kong February-March pa ako mag-i-start ng taping for Babangon.

“Kaya nga happy, e. Makikita mo naman sa tao yun. Kagagaling ko nga lang sa station I.D. shoot kaninang umaga and I should say Proud to be Kapuso talaga ako ngayon,” sabi pa ni Angelika.

Meanwhile, ngayong Holy Week ay sasamantalahin na rin daw ni Angelika ang pagkakataon para mag-diet. Kailangan daw niyang magbawas pa ng kaunting timbang.

“Magpapayat ako. Gym at diet talaga ang kailangan kong gawin. Ang tagal ko rin kasing nagpabaya. ‘Di ba tumaba ako, napabayaan ko talaga ang sarili ko? I think it’s about time, kailangan ko ring bumawi,” sabi ni Angelika.

SO IN LOVE. Very vocal ang dalaga sa pagsasabing going stronger ang relationship nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Orion Casareo. Almost two years na raw sila kaya tinanong namin kung nalalapit o nagpaplano na ba silang magpakasal?

“Alam ko gusto na niya, ako rin, secretly, gusto ko na rin. Pero naiintindihan naman niya ang situwasyon ko,” sambit agad ni Angelika.

Boto naman ang kanyang daddy Ernie kay Orion, kaya wala naman daw siyang nakikitang problema if ever mag-plan na siya to settle down.

“Wala nang magagawa ang daddy ko. Hello, I did my part! I’m old enough to make my own decision. Quota na ako sa edad pero I still want to think pa. Confident naman ako na mahal ako nung tao kaya alam kong maghihintay ‘yon.”

Sa tingin ni Angelika ay si Orion na ang lalaking makakasama niya for the rest of her life.

“Napi-feel ko. Kasi ‘pag hindi, sobrang masisira ang puso ko.”

We asked Angelika kung ano ba ang pinakamagandang nagawa ng boyfriend niya sa kanya.

“He tamed me. Dati kasi maldita at mataray ako. Ngayon nasa lugar na ang pagtataray ko. Mas lumawak yung perspective ko sa buhay.”

Napansin din namin ang suut-suot niyang diamond ring, balitang engagement ring na raw nila ito.

“Hindi pa po. Bale gift lang sa akin ito ng boyfriend ko nung first anniversary at second year anniversary namin. Itong earings naman [diamond studded] ay regalo niya sa akin nung Valentine’s Day. Hindi pa ito ang engagement ring namin, hihingi pa ko ng mas malaki dito, ” pagbibiro pa ni Angelika na obvious na in love na in love at inspired sa pagmamahal ng kanyang non-showbiz bf.

BALOT G. ANTAZO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: