‘Relasyong’ Gretchen-Dodie kinukunsinti ng Pamilya Puno

Debut ni Tana Puno, apo ng dating ehekutibo ng News And Current Affairs Department ng ABS-CBN na si Mr. Dong Puno, dumating sa selebrasyon nang magkasabay sina Mr. Dodie Puno at Gretchen Barretto.

Natural, makahulugan ang tingin sa kanila ng lahat ng mga bisita, mabilis na naglaro sa kanilang isip ang kuwento na totoo palang magkarelasyon sina Gretchen at Dodie.

Wala pang diretsong inaamin si Gretchen kung magkaanu-ano ba sila ng negosyante, hindi rin niya itinatanggi na hanggang ngayo’y magkasama pa rin sila ni Mr. Tonyboy Cojuangco, kaya naguguluhan ang mga nakakakita sa kanila ni Dodie.

Lumabas ang kuwento sa TV Patrol World, tinawagan namin ni Charie Villa (ehekutibo ng News) si Gretchen para ipagbigay-alam sa kanya na ilalabas yun kinagabihan.

Walang problema, sabi ni Gretchen, hindi lang naman yun ang unang pagdalo niya sa mga selebrasyon ng pamilya Puno. Lagi siyang imbitado ng pamilya sa kanilang mga pagtitipon, dumadalo naman si Gretchen, dahil naging kaibigan na niya ang lahat ng miyembro ng pamilya Puno.

Sa ipinadala niyang pahayag sa TV Patrol World ay sinabi ni Gretchen, “Malaki ang respeto ko at pagmamahal para sa Puno family. Sa kanila ko natutuhan ang pagpapahalaga sa pamilya at para sa isa’t isa.

“Sa bawat okasyon sa buhay nila, hanggang ako’y minamahal at tinatanggap nila, lagi lang akong nandito para sa Puno family,” kumpletong laman ng text message niya.

Lalong naguluhan ang mga kababayan natin sa mga pahayag ni Gretchen, ano raw ang ibig sabihin nun, parang ang insinwasyon kasi ay mahal at tanggap siya ng pamilya Puno na siyempre’y kinabibilangan ng napapabalita niyang karelasyong si Dodie.

Sabi tuloy ng isang kausap naming source, “Siguro, sa pamilya Puno niya naramdaman ang warmth, na hindi naibibigay sa kanya ng mga Cojuangco. Hindi nga ba’t ayaw sa kanya ng mommy ni Tonyboy? Kontra-pelo sila ni Mrs. Imelda Cojuangco, di ba?

“Sa pagkakaalam ko nga, hindi naman siya naisasama ni Tonyboy sa mga gatherings ng family nila. Pero heto ngayon ang pamilya Puno na lagi siyang imbitado, nararamdaman niya na mahal siya at pinahahalagahan ng pamilya, kaya siguro ganito si Gretchen!” pananaw ng aming kausap.

Ilang beses nang nakikitang kasama ng pamilya Puno si Gretchen sa mga okasyon ng pamilya, si Dodie ang kasama niya kapag dumarating, kaya hindi maiiwasang isipin ng marami na sila na nga ng negosyanteng Puno.

* * *

Isang source naman ang nagkuwento sa amin na pati sa mga TV guestings ni Gretchen ay nakatutok ang pamilya Puno. Sa isang parlor kung saan nagpaayos nung minsan ang isang miyembro ng pamilya, ipinalagay nito ang TV sa shop sa ABS-CBN, dahil kakanta raw si Greta.

Ibig sabihi’y ganun na siya katanggap ng pamilya Puno, dahil pati ang kanyang schedule ay alam ng mga ito, sinusubaybayan siya at ipinagmamalaki.

Kung ano ang kulang sa atin ay yun ang ating hinahanap. Noon pa pinagpipistahan ang pag-ayaw ng ina ni Tonyboy sa aktres, hindi naman ipinagpipilitan ni Gretchen ang kanyang sarili sa mga ito, ang mahalaga para kay Gretchen ay silang dalawa ni Tonyboy ang nagkakaunawaan.

Heto ngayon ang isang pamilyang nagpaparamdam sa kanya ng pagtanggap at pagmamahal, heto ngayon ang pamilyang nagbibigay-importansiya sa kanya, saang anggulo ba natin masisisi si Gretchen sa ganung senaryo?

Wala siyang sinasabing sila na ni Dodie Puno, wala rin siyang kinukumpirma na tapos na ang lahat sa kanila ni Tonyboy Cojuangco, pero siguro’y hindi na natin kailangan pang kumuha ng Master’s Degree sa isang unibersidad sa Amerika para mabasa natin kung ano ang totoong relasyong namamagitan kina Dodie Puno at Gretchen Barretto.

Tanong ng isang nangungulit sa amin, “Bakit siya iimbitahan ng pamilya Puno kung wala naman silang relasyon ng isang member ng family? Bakit siya kasama kahit sa mga private gatherings ng pamilya, ano ang dahilan at tanggap na tanggap siya ng pamilya?”

Oo nga naman.

CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: